Chapter 31

297K 7.3K 1K
                                    

MASAYA si Mhelanie dahil maayos na maayos na sila ng pamilya niya. Siguro ay malaki rin ang naitulong kaya napatawad siya ni Harper dahil kay Morgan. Masaya ito, lalo na ngayong magkaka-anak na ang dalawa. Nakikita niyang mahal na mahal ni Morgan ang kapatid niya. Sobra-sobra nito kung alagaan si Harper. Si Harper naman ay mukhang handang iwan ang showbiz para sa pamilya nito.

Ang nanay naman niya ay nakapag-usap na sila ng masinsinan. Ayon! Nag-iyakan at humingi ng tawad sa isa't isa. Si Falcon na lang. Gusto niya sana itong puntahan sa penthouse nito pero hindi niya talaga macontact kaya mas minabuti na lang muna niyang magpunta sa Prime Media para magreport para makapagsimula na siya sa trabaho.

Sinamahan siya ni Sheryl, ang HR manager, sa opisina ng presidente ng kompanya.

"By the way, mag-ingat ka kay Genevieve, ah. She's an accounting manager. Wala ka pa man pero mukhang may galit na sa 'yo. Matagal na kasi siya sa kompanyang 'to at in-expect talaga niyang siya ang magiging accounting department head. Tapos nalaman pa niyang isang taon ka palang na nagta-trabaho bilang accounting manager pero ang bilis daw ng promotion mo."

Alam niya 'yon at kahit siya nagulat din naman. Many employers require at least five years work experience bago maging controller. Pero pinaghirapan naman niya para marating ang posisyong ito. Ilang conference  din ang dinadaluhan niya sa California. She was  well-trained  by the best controller in Prime Media in San Francisco. Nang alukin siya bilang controller ay nagtrabaho muna siya bilang assistant controller to gain an understanding of job duties and demonstrate their abilities to advance. Iyon ang pinaka naging training niya bago siya umuwi ng Pilipinas. Puring-puri siya ng controller na isang American dahil puwedeng-puwede na raw talaga siyang maging accounting department head dahil sa bilis niyang matoto. At masasabi niyang kayang-kaya niya ang trabahong ito.

"Galit rin 'yon sa maganda kaya nga alam kong may lihim na galit ang bruhang 'yon sa 'kin. Alam mo na!" Flinip nito ang buhok na parang sinabing 'maganda ako'. Marahan siyang natawa. Ang daldal nito at mukhang mabait.

"Lalo na sa 'yo, ang ganda-ganda mo. Lumamang ka lang sa 'kin ng puti." Tinitigan nito ang mata niya habang naglalakad sila.

"Ang itim ng mata mo! Ang ganda pala ng itim na itim ang mata. Matanggal na nga lang ang contact lens ko." Huminto si Sheryl sa paglalakad nang marating nila ang isang pinto. Kinuha nito ang atensiyon ng sekretarya na busy sa ginagawa.

"Pauline, ito ang papalit sa magnanakaw na si Julio, si Ms. Mhelanie Muller."

"Kanina pa nga nagtatanong si Sir kung nandito na siya." Tumayo ang sekretarya, kumatok ito bago binuksan ang pinto at ipinaalam sa boss ang pagdating niya.

"Medyo masungit ang boss natin, hindi 'yan marunong ngumiti pero sobrang guwapo. Bali-balita na iniwan raw ng asawa kaya ganyan 'yan. Isang tao lang ang nakakapagpangiti riyan." Pagti-tsismis ni Sheryl.

"Ms. Muller, pwede ka nang pumasok." Nilakihan ni Pauline ang pinto. Nagpaalam siya at nagpasalamat kay Sheryl bago tumuloy sa opisina. Hindi niya alam kung paano kukunin ang atensiyon ng lalaking nakatayo sa harap ng malaking salaming dingding at nakatanaw sa labas habang nasa bulsa ng suit pants ang mga kamay. Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"S-sir?" Bahagya nitong ipinaling ang mukha pero hindi tuluyang humarap.

"Ahm. . . I'm Mhelanie Muller, from San Francisco Prime Media accounting team." Bakit kinakabahan siya ng ganito? Parang ang sungit nga nito. Nang pumihit paharap ang lalaki ay napatitig si Mhelanie sa mukha ng lalaki. Ilang sandali niya iyong tinitigan bago napasinghap ng mapagtantong kilala niya nga ang lalaki.

"Falcon?" halos hangin lang ang lumabas sa bibig niya. The man in front of her was unshaven, his hair was tousled. Dangerously sexy! Malayo sa dating itsura nitong laging malinis ang mukha. Sa isang taon niya sa San Francisco ay hindi man lang siya nakakita ng latest picture nito.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon