31- Broken Heart and Soul

6.9K 321 40
                                    

"Gaius! Tama na. You're killing her!" sigaw ni Tiana habang nakatingin kay Neschume na nawawalan na ng kulay.

Mahigpit ang hawak ni Gaius sa leeg ng babae at dumudugo na iyun. Isang maling galaw nito ay mapupugutan na ito ng ulo. Kung paano naagaw ni Gaius ang babae mula kay Malik ay wala nang nakapansin dahil sa bilis ng pangyayari.

"Dapat lang sa kanya na mamatay!" sigaw naman ni Malik at binigyan si Neschume ng isang napakalakas na suntok sa sikmura.

"Stop it, you two. Babae 'yan at walang kalaban-laban," mahinahong sabi ni Erick.

Gaius pushed Neschume hard on the wall before letting her go. Bumagsak ito sa sahig na parang isang papel.

"Sabihin mo sa amin kung bakit mo gustong patayin si Rifka?" tanong ni Deus na nag-squat sa harap ng babae. His voice was low but full of authority.

"K-Kailangan. Para sa pamilya ko," umiiyak na sagot ng babae saka humagulhol. "Patawarin n'yo ako. I'm sorry. I'm sorry."

Huminga ng malalim si Tiana saka sinulyapan si Rifka na wala pa ring malay. Pero nagulat na lamang siya nang makita ang pagdaloy ng mga luha nito.

"I... I think she can hear us," mahina niyang sambit kaya agad silang napalapit kay Rifka.

"Rifka, can you hear me? I'm here. Wake up please," hinawakan ni Gaius ang kamay ng dalaga.

Ngunit wala silang narinig na sagot. Rifka didn't even flinch.

Dismayadong muli silang lumayo sa kama.

Si Tiana ay sumandal sa may dingding, sa gitna nina Deus at Cole. Si Malik ay nakasandal din sa dingding pero nakasalampak ito sa sahig habang nanatili sa may kama sina Gaius at Erick.

Tinitigan ni Tiana ang doctor. Ilang taon na ba niyang ini-stalk ito? Lima? Anim?

Mababawi pa ba niya ito?

Her heart wanted him back but her pride said otherwise.

Isang kalabog ang narinig nila at huli na nang makita nilang nakalapit na si Neschume kay Rifka habang nag-uusap sina Gaius at Erick. May hawak itong wooden stake na itinago nito sa kung saan.

Nagulat silang lahat.

Mabilis na kumilos si Gaius para pigilan ang babae.

"I'm sorry, Rifka. Para sa pamilya ko 'to!" sigaw nito bago pa man mahawakan ni Gaius at akmang sasaksakin na sa puso si Rifka.

Pero gan'on na lang ang gulat nila nang bigla na lamang itong natigilan, naiwan sa ere ang mga braso nitong nakataas, handa na sanang tapusin ng tuluyan ang buhay ng kaibigan nito.

Biglang bumulwak ang masaganang dugo mula sa bibig ni Neschume. Nanlaki ang mga mata nito na tila biglang nablangko.

Napatingin si Tiana sa dibdib ng babae at gan'on na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang isang matulis na espadang nakatarak doon mula sa likod. Blood oozing down to her torso.

It was a Zayin sabre. And it was not a replica.

"Rifka," napabalik siyang lahat sa kama ni Rifka habang nakatitig pa rin kay Neschume na nabitawan na ang stake at nahulog na iyun sa sahig.

Masaganang tumulo ang mga luha ni Neschume habang titig na titig sa kaibigan.

"I'm sorry, Rifka," anito bago ito paluhod na bumagsak sa sahig.

Napatitig si Tiana sa Zayin na nakatarak kay Neschume bago niya nilingon ang direksyon ng pintuan at napasinghap siya sa nakita roon.

Nakatayo r'on ay isang matangkad na babae na may orange na buhok at copper na mga mata. Nakasuot ito ng garb at seryoso itong nakatingin sa kanila.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon