PAYMENT 35

3.5K 50 8
                                    

Siguro dahil na din sa kalasingan ay tulog na tulog ito. Nakatitig lang ako dito mula kanina at ni hindi ako dalawin ng antok.

Gising na gising ang diwa ko at hindi ko alam kung bakit. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo sa pagkakahiga.

Napatingin ako sa bag ko ng may biglang magring mula doon. Napakunot noo ako ng makita ang pangalan ni Gray.

"Mindy?"

Napapikit ako ng mariin sa paos at nanliliit niyang boses. Maingay pa rin ang background niya. Don't tell me? Nasa bar pa rin siya?

"Hey. I'm s-sorry kung tumawag ako pero kasi... kasi Mindy ang tagal mo... a-asan ka na ba?"

Napapikit ako ng mariin. Naglakad ako patungo sa sala at umupo sa may sofa.

"M-Mindy? Andyan k-ka pa ba? O-Okay lang naman kung hindi pa. Dito lang a-ako..."

Napapikit ulit ako ng mariin. Fuck. Tiisin mo... tiisin mo.

"Okay, t-tatawag na lang ulit ako mamaya... h-hintayin lang kita dito."

Please... wag ganto Gray.

"I l-love you."

Nanatili itong nasa linya at naririnig ko ang malalalim niyang paghinga. Ang boses niya ay paos na paos at tila hindi sigurado sa sinasabi niya... yung parang takot na takot siyang may masabing mali sakin.

"Umuwi ka na," matigas na saad ko.

"Huh? Pero Mindy... s-sabi mo dib--"

"Umuwi ka na!"

Biglang natahimik siya sa kabilang linya pati ako din. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako ng ganto ngayon.

"I... I wanna cuddle with you..."

Napakagat labi ako. Hindi ko maintindihan bakit ganto. Parang galit na galit ako at hindi ko alam kung para kanino.

"Kahit gaano katagal b-basta pupuntahan mo ko dito okay lang. H-Hihintayin kita..."

Inis kong pinunasan ang tumulong luha mula sa mata ko. Nagngingitngit na din ang ngipin ko.

"Bakit ba ang kulit mo!? Diba sabi ko ng umuwi ka? Hindi na ko makakapunta kaya wag mo na kong hintayin!"

Parang sasabog ako sa galit pero ang luha ko ay walang tigil sa pagpatak.

"Please don't hurt me... please don't..."

Napasabunot ako sa buhok ko at lalo pang tumulo ang luha ko. "Umuwi ka na," pilit kong binuo ang boses ko kahit alam kong konti na lang mababasag na 'to.

"Sabi mo... sabi mo sakin... b-babalikan mo ko."

Ilang beses ako lumunok para pigilan ang paghikbi ko. "Hindi na talaga ako makakabalik dyan. Lasing si Kaine, kailangan kong alagaan."

Napakagat labi ako. Tumingala para pigilan ang mga luha ko.

"Kahit.. kahit s-sandali lang... miss na miss na k-kita. Si---"

"Mamili ka! Pupuntahan kita ngayon dyan at hindi na tayo magkikita kahit kelan o uuwi ka mag-isa ngayon!?"

"No... n-no... I'm so s-sorry. I'm sorry. Please don't do that. Hindi ko kaya... u-uuwi na ko... please wag mo sakin g-gawin yun."

Ang boses niya ay tila nagpapanic at hinang-hina na. Inis kong pinalis ang luha ko.

"Sige na."

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon