32- Bulletproof Heart

6.7K 281 15
                                    

Kahit na anong pagmamakaawa ang ginawa ni Rifka ay hindi talaga siya pinayagan ni Director Brisbois na makausap si Neschume kaya bigo siyang bumalik sa dorm room nila ni Tiana.

Ang bigat ng pakiramdam niya dahil sa mga nangyayari.

Dalawang araw na mula n'ong nalason siya ng kanyang kaibigan. Nakalabas din siya agad kinabukasan at bumalik sa kanyang normal na pang-araw-araw na gawain.

Pero hindi na naging normal ang lahat sa kanya.

At sa loob ng dalawang araw na 'yun ay hindi nagpakita si Gaius sa kanya. Maging sa mga kaibigan nito kaya nag-aalala sila rito. Sana ay nasa dorm room lang ito katulad ng dati at busy sa ginagawa nitong trabaho.

Nadatnan niya sa salas ng dorm room sina Tiana, Malik at Cole na seryosong nag-uusap samantalang si Deus ay palakad-lakad habang may kausap sa cellphone.

"Rifka, halika," tawag ni Malik sa kanya sabay tapik ng espasyo sa tabi nito kaya doon na rin siya umupo.

"M-May problema ba?" agad niyang tanong.

"Well, hindi namin alam kung problema ito or not," si Tiana ang sumagot. "But we can't find Gaius."

Natigilan siya sa narinig.

"Hindi namin siya ma-contact. Nag-logout din siya sa main gate with a signed Notice of Absence," sabi naman ni Malik. Kita ni Rifka ang pag-aalala nito kaya hindi niya mapigilang mag-alala na rin.

"Ikaw ang huli niyang nakausap. Ano'ng nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni Cole sa kanya kaya agad siyang napaisip.

"Binasted mo ba? Sinaktan?" ani Tiana.

Umiling siya.

"Tinanong niya ako tungkol kay Atira," sagot niya.

"Yung first love mo sa Faiga Mountains na gusto mong hanapin?" ani Cole at tumango naman siya.

Sabay-sabay na huminga ng malalim ang kanyang mga kasama.

"Baka umuwi sa kanila," naisip niyang sabihin pero sabay-sabay nanamang umiling ang mga ito.

"Hindi iyun umuuwi sa Mama nila kahit na pilitin pa 'yun," sagot ni Tiana. "N'ong umalis ang ama nila ay naging masama na rin ang relasyon ni Gaius sa ina nila."

"Kung gan'on, saan nagpunta 'yun?" hindi na gaya-gaya ang pag-aalala niya ngayon. Totoong nag-aalala na siya para rito. 

Bakit umalis ito nang hindi nagsabi sa kanila?

"Si Forrest 'yung nakausap ko," biglang sabi ni Deus na ibinulsa ang cellphone. "Tumawag sa kanya si Gaius two days ago.  Sinabi nitong gusto nitong makapag-isip ng maayos. And to heal a broken heart," anito sabay tingin kay Rifka kaya nanlaki ang mga mata ng dalaga.

"B-Broken heart?" anas niya.

"Sabi na nga ba at sinaktan mo eh," ani Malik saka siya sinapak ng mahina sa braso kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"Bakit ako?" tanong niya.

"Kasi gusto ka n'ya pero may mahal kang iba," Tiana blurted kaya gulat siyang napatitig dito.

May gusto sa kanya si Gaius. 

She remembered the intimate moments they shared together. 

Akala n'ya dahil lang 'yun sa ginawa nilang pagshe-share ng dugo. Hindi iyun batayan ng feelings. Lahat ng atraksyon na mararamdaman sa sitwasyong iyun ay purong pisikal lang. Alam iyun ng lahat ng Purebloods.

Hindi niya inakalang...

"Saan siya nagpunta?" tanong ni Tiana sa kakambal.

"Sa Athenun."

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon