"HI, love." Mhelanie greeted Falcon as she entered his Office. Nag-angat ng tingin si Falcon mula sa papeles na nasa harap nito. Itinaas niya ang folder na hawak.
"I have few things I would like to discuss about Montelibano Account."
"Dapat si Mr. Pascual ang kinakausap mo sa bagay na 'yan."
"Oh, so you want me to discuss this matter with Fernan? Okay lang. I actually find him quite interesting to talk, and fun to be with. Siya na lang ang kakausapin ko about this matter." Nang pumihit siya para sana lumabas ay siyang pagpigil naman sa kanya ni Falcon.
"Okay! Sa 'kin na lang. Come here." Lihim siyang napangiti at lumapit kay Falcon. Inilapag niya ang folder sa harap nito at binuklat iyon. Sa likod ni Falcon siya pumuwesto. Nasa gilid ng mukha nito ang kanyang mukha, bahagya niyang idinidikit ang psingi sa pisngi ng asawa.
"Ms. Muller, are you really going to discuss something o nanantsing ka lang." Mhelanie chuckled and pinched his cheek.
"Huwag mo naman akong ipinapahiya. Sinisimplehan na nga, eh." Suminghap si Mhelanie nang makita ang ngiting pilit na nilalabanan ni Falcon. Tinakpan nito ng kamay ang bibig.
"You are smiling!"
"Of course not!" Tumayo si Falcon at mabilis na tinungo ang banyo sa loob ng opisina nito. Grabe ang pride ng asawa niya. Pati ang pagngiti ayaw ipakita sa kanya. Ilang sandali ang lumipas bago ito lumabas at muling umupo sa swivel. Muli naman siyang pumuwesto sa likod ng katulad ng kanina.
"Stop flirting, Mhelanie, palalabasin kita."
"Yes, love, I'll behave." Hinalikan niya ito sa pisngi. Hindi ito nag-react, pinagtagis lang ang bagang.
"Okay, let's start." Ginalaw ni Falcon ang ulo nang halos pabulong siyang magsalita sa mismong tainga nito. Kitang-kita niya ang pagtayuan ng balahibo nito sa buong leeg. He got goose bumps.
"Masyadong malaki ang advertising costs ng Montelibano account. Siguradong hindi nila ito ia-approve at sayang sa oras kung magre-revise na naman. Sinabi ko na 'to kay Genevieve pero mahadera talaga ang babaeng 'yon. Feeling niya lagi siyang tama. Ayaw niyang ipa-revise."
"Do you think there are possible ways to cut marketing cost without endangering business growth? Montelibano wants the best for their business."
"There are many ways to have an effective advertising without spending an arm and a leg. Even the smallest increase or reduction in expenses can have an impact on company profitability. Dapat tinutulungan din natin ang mga kompanya para makatipid. When possible, we've cut costs." Isinandal ni Falcon ang likod ng ulo sa balikat ni Mhelanie.
"Hindi kailangan sikat na artista para sa advertising. The production was too expensive, love, even the location. May mga hindi sikat na film director pero magaling. Mas malaking tipid kung 'yon ang kukunin natin. O bakit hindi na lang si Morgan at Harper ang kunin natin, baratin natin." Malakas na nagtawanan ang dalawa sa suhesyon na iyon ni Mhelanie.
"Business-minded ka na, ah. Mas malala ka pa sa mga kuripot na negosyante." Natatawang sabi ni Falcon. Kinuha ni Falcon ang kamay ni Mhelanie na nasa balikat nito at ipinagsalikop ang kanilang mga daliri, dinala iyon ni Falcon sa labi at hinalikan ang likod ng palad ni Mhelanie. Noon natigilan si Mhelanie at namamanghang napatitig kay Falcon.
Malapad ang ngiting ibinaling ni Falcon ang tingin sa kanya. Unti-unting nawala ang ngiti nito nang mapagtanto ang itsura nila at ang naging sweet gesture.
"I missed you so much!" Nag-init ang mata niya nang mamuo ang luha sa kanyang mata. Miss na miss na niya si Falcon at gusto na niyang maibalik ang katulad ng dati.