Chapter 11: How?

224 22 10
                                    

Chapter 11: How?

Jasmin's Point of View

Tahimik naming hinintay na dumating si Shyrel. Pinagmasdan ko silang isa-isa. Si Jacob na nakatingin saakin ngunit nag-iwas rin ng magtama ang mga mata namin. Si Kyrine na patuloy ang pabalik-balik na paglalakad. Si Jamaica na nakakrus ang mga braso sa dibdib at nakasandal sa pinto ng classroom. Si Luke na kinakalikot ang cellphone niya at panghuli si Terrence na kanina pa tahimik. Ayan na naman siya, nag-iisip. Minsan gusto ko na lang pasukin yung utak niya para malaman ko ang lahat.

Bumalik ang atensyon ko kay Jamaica ng sumigaw ito.

" Shyrel! " pagsalubong na sigaw ni Jamaica, napatakbo naman si Kyrine sa pinto non at sumilip sa labas. Nanatili akong nakaupo habang hinihintay na pumasok ang mga 'to sa room. Unang pumasok si Shyrel na walang emosyon ang mukha ngunit mugto ang mga mata. Sumunod ang lalaking hindi pamilyar saakin. Pinagmasdan ko itong maigi at inisip kung sino ba talaga siya ngunit kahit anong gawin ko wala akong maalala. Hindi ko siya maalala, dahil baka nga hindi ko pa talaga siya nakikilala noon.

Gusto ko sanang maniwala sa mga dahilan nila but there is a part of me saying that it was all a lie. Kaya ang hirap, nalilito ako at the same time nasasaktan. How can they manage to do that to me? Paano nila 'yon nasisikmura?

" Lawrence, " manghang sambit ni Kyrine, kaya naman napatawa ang lalaking matipuno saaming harapan. Kung tutuusin napakagandang pagmasdan ng mga ngiti nito, napakaaliwalas niya kasing tingnan. Maayos sa pananamit, maayos ang tindig at may matipunong pangangatawan. Syempre ang mukhang nitong napakagwapo ang pinakaasset niya.

" Kyrine, mas maganda ka pala sa personal. " sambit nito kaya naman hindi maiwasang mamula ni Kyrine. Nanatili lang akong pinagmamasdan sila, kasi paano nga ba ako makikisalamuha sa kanila? Kung hindi ko siya kilala?

" Nako Lawrence, wag mong binobola-bola 'yang kambal ko, lalaki ulo niyan. " sambit ni Jamaica

" Che! By the way, salamat sa paghatid dito sa kaibigan namin. Hoy Shyrel matuto kang sagutin yung cellphone mo! " sigaw ni Kyrine at nilapitan ito.

" Aray, hindi ako makahinga." pagrereklamo ni Shyrel ng bigla siyang yakapin ni Kyrine.

" Grabe, pinag-alala mo kami." nakataas na kilay na sambit ni Jamaica.

" Oo nga Shyrel, umiyak pa 'yang si Jamaica dahil sayo. " pagsabat ni Luke

" Hindi mo na kailangan pang sabihin 'yon! " inis na sigaw ni Jamaica, natatawa naman si Luke na umiwas sa binatong notebook nito sa kaniya.

" Pasensya na, hayaan niyo okay lang ako. " paghingi niya ng paumanhin saamin.Tumingin siya saakin, nginitian ko lang siya kaniya. Tumingin siya kaya Lawrence at napabuntong-hininga. Tumayo naman si Luke at lumapit kay Lawrence, naghawak kamay sila at nagbanggaan ng mga dibdib katulad madalas gawin ng mga lalaki pag magkikita sila.

" Grabe bro, mas matangkad ka sa personal! " sambit niya, mas matangkad naman talaga ito, kung tutuusin leeg niya lang si Luke. Pero kung si Terrence ang lalapit ay maaring magkalapit ang mga height nila. Lumapit na si Jacob don at nakipagfist bomb. Napansin ko ang pagtingin ni Terrence saakin mula sa peripheral vision ko, mukhang nag-aalangang itong iwanan ako pero nanatili akong nakatingin sa mga taong nasa unahan ko.

" Grabe Lawrence ang gwapo mo pala talaga " sambit ni Kyrine " Parang...parang yung puso ko nabihag mo na. " sambit ni Kyrine, napatawa naman si Lawrence kay Kyrine. Ginulo niya ang buhok nito at pinitik ang noo.

Everything Is Just A LieDove le storie prendono vita. Scoprilo ora