C24: White Roses

219K 4.5K 1.5K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Denise's POV

Patakbo akong pumunta sa park. Hindi pa naman masyadong madilim ngunit wala ng mga tao sa paligid. Lahat sila'y nasa kani-kanilang tahanan. Dala dala ko pa rin ang cellphone ko. Ilang beses kong tinawagan ang nagtext sa akin ngunit hindi niya ito sinasagot kaya mas lalo akong kinabahan pero kahit na kinakabahan ako, parang sinisigaw ng isipan ko na kailangan kong pumunta roon.

Sana si Andy ito. Sana kausapin na niya ako.

Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko at huli na nang napansin ko na may sasakyan na pala sa harapan ko. Mabuti na lang at nagpreno siya kaagad kung hindi ay baka nasagasaan na niya ako. Hindi ko na sinayang ang panahon at agad na kong tumakbo papalayo. Sayang ang bawat minuto... maaring wala na kong maabutan pagkarating ko roon.

Hinahabol ko pa rin ang hininga ko pagkarating ko sa park. Walang naman akong nakikitang tao. Ilaw lamang mula sa apat na poste ang nagpapaliwanag sa munting park dito sa subdivision. Nilibot ko muli ang mga mata ko pero wala pa rin akong makita kahit na isang anino.

Nang bigla akong napatingin sa kaliwang parte ng park. Sa may di kalayuan ay may nakaupong isang lalaki na may suot na sumbrero. Medyo madilim sa parte na yon kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Lagpas na sa park ang lugar na kinauupuan niya kaya hindi ko siya napansin noong una pa lamang.

Tumayo siya nang napansin niya na papalapit ako sa kinauupuan niya. Nakayuko pa rin siya ngunit alam kong hinihintay lang niya na lumapit ako sa kanya. Habang papalapit ako nang papalapit ay mas lalo kong napapansin na sobrang pamilyar niya sa akin.

At hindi nga ako nagkamali.

Nang tinanggal niya ang itim na sumbrerong suot niya ay bumungad sa akin ang mukha ng kaklase ko. Nakatingin lang siya sa akin nang diretso at walang emosyon. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng tao ay siya pa ang magpapapunta sa akin dito. Anong kailangan niya sa akin? Ang sabi niya importante raw ito. Anong kailangang sabihin sa akin ni ... John Philip?

"Philip?" Tawag ko sa pangalan niya na may tono pa rin ng pagtataka sa pagtext niya sa akin.

Aaminin ko, medyo nadismaya ako dahil akala ko'y si Andy ang maabutan ko rito. Hindi talaga pumasok sa isipan ko na maaring si Philip ang nagtext na yon.

Imbis na magsalita siya ay nakita kong may inaabot siya sa akin. Isang papel, maliit at halatang pinunit sa ibang notebook o kahit ano man na pinagsusulatan. Ang unang tanong na pumasok sa isipan ko ay kung ano ang nasa papel at kung bakit importante ito.

"Password." Ang tangi kong narinig mula sa mga bibig niya.

"Password?" Tumingin ako sa hawak hawak kong papel. "Para saan?" Muli kong tanong.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon