Chapter 33: That's What You Get

52.8K 828 62
                                    


Ang chapter na ito ay dedicated para sa best friend kong si Janinna. Thank you for sticking with me through thick and thin. I love you!


Chapter 33: That's What You Get


"Wala akong ginawa kay Tita," pinilit kong gawing mahinahon yung pagsagot ko sa kanya kahit nagpa-panic na din ako. Hindi pwedeng pareho kaming out of sorts ngayon.


"Wala? Explain this!" hinagod niya yung kamay niya sa buhok niya. "Hindi ka na sana nagpunta dito, Sofia. I should've known better."


Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya. Ayokong intindihin yung sinasabi niya. Siguro na rin dahil nag-aatubili ako sa mama niya. "King, tama na," hinawakan ko yung balikat niya. "Dalhin na lang natin si Tita sa ospital."


Tinabig niya yung kamay ko. "Hindi. Dadalhin ko si Mama sa ospital. As for you," ang lamig ng tingin niya sa mata ko habang nagsasalita. Yung boses niya, ganoon din. Hindi tuloy mapigilang magkaroon ng goosebumps sa balat ko. "Masyado ka nang madaming nagawa. Please lang. Iwan mo muna kami."


"King naman, 'wag kang magbiro—"


"Mukha ba akong nagbibiro Sofia?! Simula noong nagpunta ka dito noong Wednesday, nag-iba na ang timpla ng pakiramdam ni Mama! Naalala mo nung umubo siya nung nagbiro ka? Akala mo nakakatawa? Hindi! Hell, Sofia, ginulo mo si mama! Ginulo mo ang buhay namin! You coming here everyday, it stresses her out. She should be resting pero pinagtitiyagaan niyang bumangon para lang i-entertain ka!" namumula na yung mukha niya at tumataas na rin yung boses niya sa galit, "I hate you! Simula noong naging katabi kita sa classroom nagkagulo-gulo na ang lahat. Kaya pwede ba, umalis ka na? Umalis ka na sa bahay namin, umalis ka na rin sa buhay ko."


Nakakabingi yung katahimikan na sumunod. Pinilit kong tumayo mula sa pagkakaluhod at buti na lang nakatayo pa ako. Pakiramdam ko kasi babagsak ako sa sahig eh. Pero bago ako umalis ng bahay nila, pumunta muna ako sa telephone at tumawag sa ospital at pinapaalam sa kanila na ihanda yung kailangan nila para sa pasyente. Noong lumabas ako, nakita ko si King na pinapasok yung mama niya sa taxi. Hanggang sa umalis na sila.


Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatayo sa labas ng bahay nina King pero noong natauhan na ako, naglakad ako palabas ng village nila at naglakad sa SM na mga limang kilometro pa ang layo.


Sa SM, pumunta ako ng Hypermarket. Nag-ikot ikot ako hanggang makita ko yung stall na nagbibigay ng free samples. Nescafe Choco Latte yung pinapamigay nila ngayon. Masarap naman yung timpla nila. Nakakabitin pa kasi ang liit-liit na lalagyan kaya tuloy naka pitong pabalik-balik tuloy ako sa stand na 'yon. Buti nga hindi ako sinasaway nung mga nagbibigay ng sample eh. Tinitignan lang nila ako na para akong may sapak sa isip.


Noong sumakit na 'yung tiyan ko sa dami ng kapeng ininom ko, nagpunta ako sa food court at tumambay lang doon. Ano na ang gagawin ko ngayon?


Kinuha ko yung cell phone ko. Matawagan na nga lang si Inna.


"INNA, KANTA KA, dali!"

That's what you get

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon