CHAPTER SIX

11.8K 417 48
                                    

A/N: Pasensya na kung matagal ang update. Bukod kasi sa nasira ang isa kong laptop na palagi kong ginagamit, busy ako sa iba ko pang gawain.

Dedicated to the first commenter.

**********

"Firipa Nataruya Fereru?" tanong ng magandang babae sa akin. Siya iyong tinawag ni Kaito na Amane no'ng isang araw. Tumangu-tango ako sa kanya habang pilit na kinukubli ang pag-asim ng mukha. Kahit na ilang beses na akong pabalik-balik ng Japan at sanay na rin sa Japanese accent, hindi ko pa rin maalis ang pagngiwi sa tuwing binibigkas nila ang pangalan ko. Kasi ang bantot na nga ng Filipa pinapabantot pa nila.

"She wants you to be her teacher," masayang balita ni Akemi. Napasulyap sa kanya ang babae bago tumingin uli sa akin at ngumiti.

Ewan ko ba. Parang naninibago ako na special request ako ng adult Japanese student na babae. Ang alam ko kasi si Lyndon at Sarah ang mas preferred nila dahil gusto nila matuto ng American accent. Ganunpaman, magalang ko siyang hinarap at dinala na sa classroom ko.

"I wantu lernu Engrish fastu," sabi agad niya pagkaupo na pagkaupo sa silya. Napakamot-kamot ako sa ulo sa tigas ng dila niya. Halata talaga ang Japanese accent niya.

Bago ko sinimulan ang lesson, nag-usap muna kami sa English. Gusto ko kasing malaman kung ano ang level niya. Napansin kong mataas ang comprehension level niya. Ang problema lang ay kung paano siya magsalita. Nag-umpisa muna kami sa phonics. Tinuro ko sa kanya ang phonetic value ng kada letra, letter groups, at syllables. Napakamot-kamot ako sa ulo dahil mas mahirap pa siyang turuan kaysa sa mga bata kong estudyante. Natitiyak kong makakalbo ako sa babaeng ito.

Thirty minutes after, may kumatok sa kuwarto namin tapos sumilip si Akemi. Nang lumingon si Amane sa direksiyon ng pintuan, binuksan na ito nang maluwang ng sekretarya namin. Lumitaw ang isa pang maganda at eleganteng Haponesa. Napatayo na lang bigla si Amane at sinalubong ang tinawag niyang Mitsuko-chan. Si Akemi na ang humingi sa akin ng paumanhin sa pagkakaputol ng lesson namin. Tumangu-tango lang ako. Ano pa ba ang magagawa ko? Mukhang importante siyang estudyante kaya hindi pwedeng higpitan.

"Ay pasensya na, Fereru-sensei!" biglang baling sa akin ni Amane. Ngumiti lang ako sa kanya at sinabi kong huwag niya akong alalahanin. Ganunpaman, hindi matapos-tapos ang paghingi nito ng dispensa. Pati na rin ng bisita niyang si Mitsuko-san. Ewan ko ba. At the back of my head, I was asking myself kung totoo ba iyon sa loob nila o pagpapakitang-tao lamang. Magaling naman kasi sila sa tatemae o iyong politeness just to please others na hindi naman totoo sa loob.

Nang lumabas na ng silid ang dalawa saka nagpaliwanag si Akemi. Huwag ko na raw pansinin ang mga ganoong eksena. Natural lang daw iyon dahil napaka-busy ng isang katulad ni Amane.

"Her family owns a chain of Italian restaurants in Japan called Bello Italiano. Not to mention her own business which is fashion designing."

"Gano'n ba?" sagot ko. Ba't pa siya nagti-tiyaga sa pagpunta sa school namin kung maaari naman siyang kumuha ng private tutor niya? Sinabi ko iyon kay Akemi. Ngumiti lang siya sa akin pero hindi na sumagot pa. Inalam ko na lang sa kanya ang susunod ko pang klase nang hapong iyon.

"Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin sa iyo na hindi na naman makakarating ngayon ang dalawa mong estudyante from Banzai Studio. May hinahabol daw kasi silang work deadline."

Nanlumo agad ako sa narinig. Sila nga lang ang regular kong adult students tapos hindi na naman sila papasok. Parang ayaw kong maniwala na dahil lang iyon sa trabaho. Baka---ayaw nila sa akin?

"Oh no, Fereru-sensei! Of course not," nakangiting sagot agad ni Akemi nang sabihin ko iyon sa kanya. Nagkataon lang daw talaga na busy ang mga empleyado ng Banzai Studio. Ang dinig daw niya kasi ay naghahabol ang kompanya na mai-release ang bago nilang video game bago mag-summer.

SUKIYAKI (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon