Kabanata 15

19.5K 884 20
                                    

Nagulat kaming dalawa ni Zec ng tumakbo ang babae at niyakap siya kaya nabitawan niya ang kamay ko na hawak niya kanina.

"Markus, son. I've missed you so much." Umiiyak na sabi ng babae. Son? Sila ang pamilya ni Zec? Tinignan ko ang mga kasama ng babae. Isang lalaking foreigner na familiar, at isang mas batang lalaki na nakasalamin. Pero ang babae halata sa kanya ang pagiging Pilipino.

Naghanap pa ako ng iba pa nilang kasama at nakahinga ng maluwag ng walang makitang babaeng may kasamang bata. Wala pa siyang asawa, anak, o kahit girlfriend. Puro mga lalaking nakasuot ng pormal na itim na nakatayo sa gilid ang nakita ko. Mukha na nga silang rebulto dahil hindi manlang gumagalaw. Ano kaya kung kilitiin ko isa sa kanila?

Nakita ko ang libro ko sa lamesa, naalala ko bigla ang lalaking foreigner na nasa harap ko.

"Dr. Markus Fidel Wright." Tumingin sakin si Dr.Wright kaya nakita kong malaki ang pagkakahawig nila ni Zec. Tanga ko talaga. Bakit hindi ko napansin yun? Mas matalino nga talaga yata sa akin sina Rhoda dahil napansin nila agad. Lumapit siya sakin ng nakangiti, alam ko na kung kanino namana ni Zec ang mata at ngiti niya.

Kaya naman pala spokening dollars ang hanep, may lahi pala.

"Hi. I'm Markus Fidel Wright. Thank you for taking care of my son." Inilahad niya ang kamay niya sa akin.

Woooh, halos ma nosebleed ako sa british accent. Kaya pala may accent din si Zec kapag nagsasalita ng english. Feeling ko din na starstruck ako sa kaharap ko. Inabot ko ang kamay niya. Goodness, ang lambot! Kamay mayaman!


"Ako po si Krisandra Florese." Sabi ko habang nagshe-shake hands parin kami. Nakangiti ako sa kanya, ganun din siya sakin nang bigla nalang may umagaw ng kamay ko at inilagay ako sa likod niya.

"Who are you?" Tanong ni Zec. Para namang binuhusan ng malamig na tubig ang itsura ng pamilya niya. Batukan ko kaya to? Obvious naman na mga kamukha niya ang nasaharap namin.

"Son what's wrong?" Tanong ni Mrs. Wright. Pero tinignan lang sila ni Zec. Oo nga pala, may amnesia si boyfie.

"Uhm... maam, sir, yun na nga po ang gusto kong iparating sa inyo kanina bago sila dumating." Tinignan nila ng nakakunot noo si Lola Puring. "May amnesia po siya."


"WHAT?!" Sabay na sigaw ng tatlo. Taraay. Duet, ay truet? Sige choir nalang, madami sila eh. Tumingin sila kay Zec.

"You really don't know us?" Tanong ng kapatid siguro ni Zec.

"Oh, God." Sabay hagulhol ni Mrs. Wright. Lumapit naman sa kanya ang asawa niya at niyakap siya.

"What exactly happened?" Nasa sala kami ngayon. Nasa gitna ako ni Lola at ni Zec habang ang tatlong bisita naman ay nasa harap namin.

"Nakita ko po siya sa gubat na duguan at may tama ng baril." Sabi ko. Umiyak nanaman ang nanay ni Zec habang patuloy lang sa pag-aamo ang asawa.


"Tatlo po silang lalaki." Pagpapatuloy ko. "At nung akala nila patay na si Zec ay umalis na sila. Nilapitan ko si Zec-"


"Zec?" Tanong ng kapatid yata ni Zec

"Yun yung narinig kong tinawag sa kanya ng suspect. Kaya yun ang tawag namin sa kanya dito." Tumango naman ito. "Yun na nga, nilapitan ko siya at inakalang patay na siya pero bigla siyang gumalaw. Dinala ko siya dito at inalagaan namin nila lola hanggang sa magkamalay na siya."

Sa buong kwento ko ng pangyayari ay nakikinig lang sila at tumatango naman si Dr.Wright sa mga sinasabi ko. Nang madako ang tingin ko kay Mrs. Wright napansin kong masama ang tingin niya sa kamay namin ni Zec na magkahawak kaya pasimpleng bumitaw ako. Tinignan lang ako ni Zec ng nagtataka pero hindi ko pinansin.


I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon