Magic 11

7.1K 180 5
                                    





XXX

Chapter 11: Mishap


Raven's Pov


Tumayo ako sa pagkakatumba ko at tumingin sa babaeng tumulak sakin . Halatang galing silang lahat sa matataas na dugo at mayayaman na pamilya .


'Alam mo ang sakit mo sa mata, sa tuwing makikita ka namin pakalat kalat dito sa Linford panira ka sa magandang tanawin' sambit nung nasa gitna na tumulak sakin


'Siguro ang saya saya mo dahil ang isang hampas lupang low blood na katulad mo ay nakatapak sa loob ng Linford.  At nakakasalumuha pa ang katulad naming matataas na dugo !' Dagdag naman nung katabi nito

Ano bang kasalanan ko sa kanila ? Wala naman akong ginagawang masama ah . Alam ko naman na isa akong mababang dugo at kahit kelan hindi ko ginustong maging mataas na dugo .



'Ayoko ng away pakiusap padaan na ko ' ani ko ngunit lalo nila akong hinarangan .


'Kung ayaw namin! Anong gagawin mo ? Sasaktan mo kami ? ' sagot ng nasa likodan ko


'Dapat hindi ka narito sa loob ng Linford, sinuwerte ka lang naman e. Pero tignan natin kung hanggang saan ang swerte mo ' ani ng isa na parang pinuno ng pangkat nila

Mahaba ang buhok nito at maputi . May taglay rin itong ganda at tapang ng itsura .


'Pagkatapos ng gagawin namin sa iyo kusa ka ng aalis sa Linford '





Sinubukan kong maghanap ng lulusutan para makatakas sa kanila dahil ayoko ng away at baka hinihintay na ko ni Kaera .


Ngunit wala akong mahanap dahil anim silang nakapalibot sa akin .


Naramdaman ko na lang na may biglang humawak ng magkabila kong kamay . Pumalag ako rito at sinubukan kumawala sa pagkakahawak nila pero tatlo silang humawak sakin.


Naramdaman ko ang malamig na tubig na bigla nilang binuhos sa akin . Nabasa ang buong katawan ko dahil roon.


'Ano ba !' Daing ko ngunit tawanan lang ang sinagot nila sakin


Namanhid ang pisngi ko ng bigla akong sampalin nung nasa gitna babae sa magkabilang pisngi ko . Sobrang lakas nito at sa tiginin ko ay bumakat ang kamay nito rito .



'Hindi ka na babagay sa lugar na ito! Isa kang pesteng pilit sinisiksik ang sarili nya sa magandang bagay para maging maganda rin sya . Kahit alam naman natin na peste ay palaging peste !' At isang sampal na naman ang natamo ko rito .


Pilit kong sinusubukan kumawala sa hawak nila ngunit hindi ko magawa lalo na ng biglang hitakin ng mga ito ang buhok ko .


Napasigaw na lang ako ng ipit dahil don . 'Wag kang ilusyonada taga Belmoor kahit kelan hindi magbabago kung saan galing, sa basura '


At isa ulit sampal ang sinalo ko . Sobrang sakit na ng pisngi ko at braso kong ang hikpit ng kapit nila .


Ayokong patulan sila dahil sa dulo ay ang mabababang dugo ang sisisihin at pagbubuntungan ng sisi . Palagi na lang kami ang may kasalanan ngunit wala kaming magawa .



'Kung ako sayo babalik na lang ako sa pingalingan kong basurahan at ititigil ang sobrang taas kong pangarap !' Ani nito at hinawakan ako sa aking panga


(Enigma Trilogy) Linford AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon