Tahimik siyang nakaupo sa may tabi ng kama ni Blue ng bigla itong umiyak ng malakas na ikinagulat niya. Mabilis niya itong dinaluhan at maingat na binuhat.
Hinele-hele niya ito kasabay ng pagkanta niya para makatulog ulit ito.
She just can't take her eyes off of him. Napakagwapong bata. Ang swerte niya na sa kanya ito napunta at hindi sa kung kanino na baka mamaya ay asamang-loob pala. Kaya hinding-hindi niya sasayangin ang pagkakataon para maging mabuting ina rito at ibigay ang buong pagmamahal na ipinagkait dito ng totoong mga magulang.
Nang masigurado na mahimbing na ulit ang tulog ng anak ay ibinalik na niya ito sa kama.
Tinungo niya ang maliit na pantry na nandoon saka naghanda ng makakain. Pasado alas dos na ng hapon pero ngayon pa lamang siya kakain ng tanghalian na pinasadya pang ipadala ni Liam para raw hindi na siya lumabas pa ng hospital. Kaninang umaga rin, pagkaalis nito ay may dumating na delivery boy na may dalang pagkain para sa kanya.
Nahihiya na siya rito. Hindi naman nito obligasyon na pati siya ay alalahanin pa pero ginagawa nito. Hindi na rin naman nito obligasyon na asikasuhin pa silang mag-ina pagkatapos ng lahat ng naitulong nito kagabi pero ginagawa pa rin nito.
Alam niya na wala itong tulog kagabi dahil na rin sa pagpiprisinta nito na bantayan si Blue pagkatapos ay pumasok ito ngayon na wala siyang secretary nito. How can he be this kind to her?
Masarap man sa pakiramdam na may nag-aalala sa kanya, sa kanila ng anak niya, pero natatakot rin siya. Kasi paano kapag may kapalit lahat ng kabutihan nito sa kanya? Paano kung may ipagawa o hingin ito na hindi niya kayang ibigay o gawin? Anong mangyayari? Aalisin siya nito sa trabaho? Ganoon ba?
Katatapos lamang niyang iligpit ang kanyang pinagkainan ng tumunog ang kanyang cellphone. Mabuti na lamang at palagi niyang dala ang kanyang charger kaya hindi na siya namroblema na baka ma-deadbatt siya.
Sinipat niya kung sino ang tumatawag na iyon at bahagyang napangiti ng makitang si Rose ang caller niya.
"Rose." Bungad niya matapos itong sagutin.
"Ateng! Nabalitaan ko ang nangyari kay Blue! Kamusta na si baby? Okay na ba siya? Ikaw? Kamusta ka? Sinong kasama mo dyan sa hospital?"
Napatingin siya sa anak na mahimbing pa rin ang tulog. "Okay na siya, Rose. Salamat sa concern. Okay rin ako. Huwag ka ng masyadong mag-alala. Kayo dyan? Kamusta sa opisina?"
Narinig niya itong bumuntong-hininga na animo'y nakahinga ng maluwag sa sinabi niya. "Hay naku, okay kami rito. Medyo hapit nga lang kasi wala ka. Si sir kasi may ilang mga meetings ang minadali kahit na para pa naman iyon sa ibang araw. Ewan ko ba? Ang weird nga e. Mukha siyang nagmamadali. Parang hinahabol niya ang oras."
Bahagya siyang napakurap-kurap doon.
Bakit kaya?
"Tapos kanina, pagdating niya, kinausap ako. Itinatanong sa akin kung anong size ng mga isinusuot mo, literally, 'yung size ng body physique mo. Itatanong ko sana kung bakit kaso mukhang nagmamadali e kaya sinabi ko na lang."
Napanganga siya sa nalaman.
Bakit gustong malaman ng boss niya ang tungkol doon? Ano bang tumatakbo sa isip nito?
She was speechless there for a while. Nawiwindang pa rin ang sistema niya sa nalaman mula sa kaibigan.
"Hello? Ateng? Nandyan ka pa ba? Hello?"
"H-ha? Oo. Nandito pa ako." Naupo siya sa may couch habang iniisip pa rin ang sinabing iyon ni Rose.
May ilang minuto pa yata silang nag-usap na dalawa tungkol sa kung anong nangyari kay Blue bago iti nagpaalam dahil kailangan ng bumalik sa trabaho.
BINABASA MO ANG
BOSS Series 1: My boss, His daddy
RomanceHindi man perpekto ang buhay ni Alisson, masaya siya at kuntento. Basta nairaraos niya ang kanyang buhay at nakakain siya ng tatlong beses sa isang araw, sapat na iyon sa kanya. Hindi man siya kagaya ng iba na may mataas na pangarap sa buhay, alam n...