Chapter 19

11.9K 323 23
                                    

margarette ace: Hi, guys! Ipopost ko na po ang last 2 chapters ng Our Dirty Little Secret. Sa mga nagbasa po sa story nina Riz at Vance, maraming salamat po.

PS: One month ko lang pong ipopost dito ang last 2 chapters. ^_^ sana magustuhan ninyo.

*power hug!*

---------------------

“SO, ano ang kailangan mo sa akin at pinapunta mo ako rito, Alicia?” tanong ni Riza sa kaharap niya.
Kababalik lang niya sa trabaho kahapon. At nakatanggap siya ng tawag mula kay Alicia. Kailangan daw siya nitong makausap. Si Vance naman ay halos araw-araw niyang kasama. Habang nagpapagaling siya ay palagi itong nasa bahay niya. Kung hindi pa niya sinasabi na puntahan nito si Lance.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Riza. Gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi uubra sa akin ang pag-arte mo.”
Ilang beses na napakurap si Riza. Nang mag-sink in sa kanya ang sinabi nito ay napailing siya. “Hindi ko alam kung saan nanggaling ang sinasabi mo pero para sabihin ko sa iyo, Alicia hindi ako umaarte.”

Umismid ito. “Dahil sa iyo hindi na madalas nagkakasama sina Vance at Lance. Vance doesn’t need a selfish person like you.”

Naikuyom ni Riza ang kamay niya. Pero bago pa man siya makasagot ay naunahan siya ng nasa likuran niya.

“Then care to share what kind of woman that I need?”

Parang tinakasan ng kulay ang mukha ni Alicia nang makita si Vance. Marahas siyang napalingon sa likuran niya. And Vance was standing behind her. Looking dead serious.

Nanatili lang siyang nakatingin dito. Umupo ito sa upuang katabi niya. Kinuha nito ang kamay niya at pinagsalikop nito ang mga daliri nila.

“Vance!” gulat na bulalas ni Alicia.

“So, would you like to answer my question, Alicia? What kind of woman do you think I need?”

Kahit siya ay nakaramdam ng takot kay Vance. Mukha itong kalmado pero alam niyang nagtitimpi lang ito. Nanatili lang siyang nakatingin kay Vance.

“You need someone who will accept your son, Vance. Iyong hindi gagawa ng paraan para lang pigilan ka na makipagkita sa anak mo.”

Napasinghap si Riza. Naramdaman niya ang pagpisil ni Vance sa kamay niya.

“Isang beses ko lang sasabihin ito kaya gusto kong makinig ka, Alicia.” Nakita niya ang paglunok ni Alicia. “You are my son’s mother but it doesn’t give you any right to meddle with my personal life. I love Riza and you should accept it. At walang kinalaman dito si Lance. I love him at walang kasalanan si Riza. So please stop acting like you know her.”

Hinila siya ni Vance paalis sa lugar na iyon. Nang makarating sila sa sasakyan nito ay napapitlag siya nang mahigpit siyang yakapin ni Vance. “I’m sorry about that, Riz.”

Gumanti siya ng yakap kay Vance. “I’m okay, Vance.”

“I love you, okay?”

Tumango si Riza. Hindi nagsasawa si Vance na sabihin iyon sa kanya bawat araw.

“And I love you too, Vance.”

NAPANGITI si Riza habang nakatingin kay Vance na payapang nakaluhod at nananalangin. Nagulat pa siya nang sunduin siya ni Vance para sabihing may pupuntahan sila. Hindi niya akalaing dadalahin siya nito sa isang simbahan.

Alam niyang marami ang nakakilala kay Vance pero magalang nitong pinakiusapan ang mga lumalapit dito na hayaan muna silang manalangin. He said he will entertain them outside the church. Mas lalong lumobo ang paghanga niya rito. Mabuti na lang at hindi gaanong maraming tao sa loob ng simbahan sa mga oras na iyon.

Our Dirty Little SecretWhere stories live. Discover now