MALDITA 20

818K 21.4K 2.1K
                                    

Maldita 20

I woke up with a big smile on my face. Today is my graduation day and I am going to attend together with my parents. Bago ako lumabas ng kwarto ko I texted Mikee to inform him that my Dad is also coming.

'I'm going to attend the Graduation rites together with the President.'

Ilang sandali lang ay nag-reply sya.

'WHAT? THE PRESIDENT HIMSELF? AS IN MR. VICTOR CHEN? YOUR DAD?'

I rolled my eyes after I read his text. Kailangan talaga all caps? Ang OA nya talaga kahit kailan! I replied for the last time.

'Oh? Aarte pa?'

After I sent my message to Mikee nagpunta na ako sa may dining area para kumain ng breakfast. Hindi ko mapigilan ang mapangiti noong makita ko sina Mommy na hinihintay ako bago sila mag-umpisang kumain. Unlike before na nag-umpisa silang kumain kahit wala pa ako. Pakiramdam ko tuloy ngayon, special ako.

"Good Morning." Bati ko sa kanila and I kissed them on their cheeks.

"Good Morning. Are you ready for your big day later?" Tanong ni Mommy sa akin. I nodded.

"Si Avy po?" Tanong ko noong mapansin kong wala sya sa upuan nya.

"Up stairs, she's not feeling well since yesterday." Malungkot na sabi ni Mommy. Tumango na lang ako at saka tahimik na kumain.

Alam ko naman na hindi talaga masama ang pakiramdam nya at na walang syang sakit. Siguro masama ang loob nya o hindi nya lang matanggap na nagka-ayos na kami nina Mommy at Daddy. Kagabi, hindi din sya sumabay sa amin mag-dinner with the same reason, dinalhan na lang sya ni Daldalita ng pagkain sa kwarto nya. I don't know why I feel guilty all of a sudden, kahit alam kong wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Mas masaya sana kung kasama din namin syang kumain ng breakfast kahit alam kong malaki ang possibility na mag-away kami. Medyo namiss ko tuloy sya, slight lang.

-

Pagkatapos kong maligo, naabutan ko si Mommy sa loob ng kwarto ko, may dala syang lavenderhalter dress na nakahanger. Maingat nya itong inilagay sa may ibabaw ng kama ko.

"Mom." Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang damit na nakapatong sa may ibabaw ng kama.

"I want you to wear that dress with this necklace on your graduation day." She said and showed me a white gold necklace with a diamond celtic star as a pendant. Maingat kong hinawakan ang kwintas na ibinigay nya at pinagmasdan sa palad ko. I traced the star pendant with my index finger, feeling the diamond stones on it.

"Do you like it?"

"No. I love it! Thanks Mom!" I said at niyakap ko sya.

"Daddy mo ang pumili nyan."

"Can I interrupt?" Napatingin kami ni Mommy sa kadadating lang na si Daddy. Naglakad sya papalapit sa amin.

"May I?" Tanong nya at itinuro ang necklace na hawak ko. Tumango ako saka ngumiti sa kanya at iniabot sa kanya 'yung kwintas. Hindi mawala ang ngiti ko habang isinusuot ni Daddy sa akin 'yung kwintas.

"We are so proud of you." He said and tapped my shoulder.

"Thanks Dad."

"You better get dress na Avah, baka malate pa tayo." Paalala ni Mommy. Last one hug and they left me in my room smiling from ear to ear.

-

Just one last look at myself on my full-length mirror and I'm ready to go. Feel na feel ko ang lavender halter dress na ibinigay ni Mommy. Hindi ko alam kung paano nya nalaman ang size ng katawan ko dahil it fits perfectly on me. Totoo nga ata ang kasabihang 'Mother knows best.' Hinawakan ko pa ang pendant ng kwintas ko habang kilig na kilig na nakatitig sa may salamin. This is definetely the best gift I received from them so far. Bukod sa personal choice ito ni Daddy, ay sya din ang nagsuot sa akin. I didn't consider the BMW as a graduation gift since technically I already had that since I was 18.

Suddenly a knock from my door interrupted my thoughts.

"Come in."

I sigh when I saw Avy's reflection on the mirror. She's wearing a black dress and looked at me with a bored look. I furrowed my brows and look at her with the same bored expression. She then raised her eyebrows and crossed her arms. Ok? Anong problema nya?

"What?" Tanong ko. Akala ko ba she's not feeling well? Eh bakit bihis na bihis sya at para namang wala syang sakit. Mukha lang syang kulang sa tulog dahil sa eyebags nya.

"Don't be so confident, Avah. Hindi porke nagka-ayos na kayo nina Daddy at Mommy ay magiging ok na din ang lahat. Hindi pa din magbabago ang tingin ko sa'yo. You will always be a loser. Enjoy your short victory, because the day after tomorrow, iiwan ka na ulit namin dito mag-isa. We'll going back to China...without you."

Ano? Aalis ulit sila? I thought they were staying here for good or I will be joining them back to China. Ano 'yon? Bumalik lang sila para iwan ulit ako? Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa sinabi ni Avy.

"Oh. Did I just ruined your happy thoughts? I'm sorry, but I'm not sorry." Nakangiti pa nyang sabi.

"Ano ba talagang problema mo? Why did you have to be so mean? Can you just be nice just for once, try mo lang. Wala ka na bang ibang hobby bukod sa gawing impyerno ang buhay ko?" Matapang kong sabi sa kanya. Lumapit pa sya sa akin at tinapik ako ng mahina sa may balikat ko using the back of her right hand.

"Problema ko? Ikaw! Ikaw mismo ang problema ko. Mang-aagaw ka! Inagaw mo ang lahat ng sa akin. Bakit ka pa kasi nabuhay?" Galit na galit na sabi nya sa akin.

Though I am expecting her to be so mad at me, I didn't saw her last line coming. Ganoon sya kagalit sa akin? Ang sakit lang, mas gugustuhin pa nya akong mamatay? What a loving sister. She loathed me a lot!

"Wow! So after all these years, ako pa ngayon ang nang-agaw? Nakakatawa ka, seryoso. Kung mang-aagaw ako, eh anong tawag mo sa ginawa mo noong napunta sa'yo ang mga kaibigan ko at si Ian? Nanghiram? Is that what you called that? Ha? Saan mo ba nabili ang dictionary mo at mali-mali ata ang mga definitions na nakasulat doon?"

"Hindi ko sila inagaw sayo. Binawi kolang sila mula sayo."

"Binawi? Hindi sila gamit para angkinin mo at kahit kailan hindi sila naging sayo. Ayan siguro ang dahilan kung bakit walang tumatagal sayo. Hindi mo sila tinuturing na tao, you treated them as a 'thing' and after you get what you wanted from them you will left them hanging. Just like what you did to your so-called-best friend, Mikee. Pero sige, kung 'yon ang gusto mong paniwalaan na inagaw ko sila sayo, eh di sayo na. Sayong sayo na, isaksak mo pa sa baga mo. But the question is, do they want you back? So, who's the loser now?"

Beat that bitch!

"I really hate you."

"Go ahead and hate me to death. But before you die let me tell you something, hating me won't make you pretty." Ngumiti ako sa kanya bago ko sya tinalikuran.

I'm about to leave my room noong lumingon ulit ako sa kanya.

"Sorry for being rude, may sasabihin ka pa ba? I have a graduation to attend pa kasi, so if you're not yet done sharing how much you hated me, let's re-sched. It's that alright with you? I promise to bring some popcorn so I could enjoy watching your pathetic little drama." Then I left her speechless.

Ilang segundo pa akong nag-stay sa labas ng kwarto ko. Kung mamatay ba ako ngayon, hindi na sya magagalit sa akin? Hay. Ano ba 'tong iniisip ko? Kahit hukayin ko pa ng sobrang lalim ang memorya ko, wala akong matandaan na ginawa kong masama sa kanya noon para magalit sya sa akin nang ganyan. Ngayon lang naman ako lumaban sa kanya. Nakakainis lang 'yung pakiramdam na alam mong wala ka namang ginagawang masama pero may galit sayo at hindi mo alam kung bakit sya galit! Anong pinaglalaban nya? Minsan ang sarap manampal ng kapatid para matauhan e. Avy really needs a slap of reality. I shooked my head and took a deep breath before I go downstairs to meet my parents.

Ngumiti ako sa kanila noong nakita ko sila. Tinanong pa nila kung nasaan si Avy, sinabi ko na lang na pababa na. Nauna na akong sumakay sa kotse namin, para makaiwas sa kanila. Hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung sinabi ni Avy na babalik sila ng China at hindi ako kasama. Akala ko ok na, hindi pa pala.

Maya-maya lang dumating na din si Avy. Nagkatinginan lang kaming dalawa at saka sya umupo sa tabi ko sa may backseat. We shared and enjoyed almost one hour of awkward silence. Sa unang pagkakataon, hindi kami nagsagutan. Oh well, miracles do happen.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon