Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 5

182K 7.1K 1.6K
                                    


NAKASIMANGOT si Zantha habang sapu-sapo ang sariling ulo. May hawak siyang ice bag na gamit niya sa kanyang batok. Hindi ko naman magawang tingnan ang kanyang mukha.


Galing ako sa mall. I bought some shirts and jeans for Dipen. Binilhan ko rin siya ng boxers and briefs. Hindi ako nahirapan sa isusuot niya dahil kahit ano naman yatang isuot niya ay babagay sa kanya.


Bumili rin ako ng bottled water with pump straw. Napansin ko ring namamayat siya kaya bumili ako ng dextrose. Susubukan kong ikabit ito sa kanya para kahit papaano ay may pumasok na glucose sa kanya. According to Zantha, it will replace the lost fluids and provide carbohydrates in the body. Iyon ay kung dadaloy nga ito sa mga ugat niya.


Plano ko ring mag-shake ng fruits at ipakain sa kanya. Siguro gagamitan ko na lang ng tube na pwedeng isalpak sa kanyang lalamunan. Susubukan ko kung gagana ang mga naiisip ko.


Maayos ang takbo ng buong araw ko until I went back to my condo. Pagbukas ko ng pinto ay napamulagat ako sa aking nabungaran. Zantha was on top of Dipen and the bitch was licking his neck! 


Nawala ako sa sarili at patakbo ko siyang nilapitan. Hinampas ko siya ng vase sa ulo sanhi para tumilapon siya.


"Why the hell did you do that?" tanong niya. Actually, hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang naitanong ito sa akin.


I hit her on the head — end of story. Pero hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kung bakit ko nga ba siya hinampas sa ulo.


Ang bilis ng pangyayari na pati ako ay nagulat sa aking nagawa. 


"I'm sorry, okay? Nabigla lang ako. Hindi ka naman kasi dapat kumakalong kay Dipsy! Are you out of your mind?!" I said, without looking at her.


"You were just imagining things, Kia. Parang inaamoy ko lang naman si Dipsy. I needed to do that to examine him. Alam mo namang nasa stage pa rin tayo ng pag-e-examine sa kanya."


"He's mine." Bigla na lang lumabas sa bibig ko.


Napaangat ang isang kilay ni Zantha. 


Umiwas ako sa nanunuyang mga mata niya. "Uhm, I mean that he's mine because he's my responsibility."


Humalikipkip siya. "Don't tell me that you're falling in love with him? Yes, he's gorgeously hot, yet he's dead, Kia. "


Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. "Do you understand?!" Tinitigan ko siya nang masama.


"Fine." Itinaas niya ang magkabila niyang kamay. "You win. He's all yours." Lumikot ang mga mata niya. "Just to let you know, I've got a feeling that there is something wrong with him."


Alam ko namang may mali talaga, hindi ko lang gaanong ini-entertain dahil sa totoo lang ay masyado nang sabog ang utak ko sa pagkalito. Pagkalito sa totoong nararamdaman ko.


"He's still hot. Hindi sa aspetong sekswal, pero puwede na rin. Mainit pa si Dipsy. Dapat ay malamig na siya ngayon, 'di ba? At dapat naagnas na siya."

SavagedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon