Chapter 48

28.1K 935 75
                                    


Left's POV

"Sure ka bang okay ka lang?" tanong ni Kuya. Pang-ilang tanong na nya ba yan sakin?

"Kuya paulit ulit tayo? okay lang ako, mawawala din itong lagnat ko." sagot ko sa kanya. Napabuntong hininga sya.

"Nag-aalala kami sayo." tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Mas nag-aalala ako kay maid." hindi na maganda pang manatili dito sa hospital kung nandito lang sa paligid ang mga tauhan ni lolo.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan gawin ito ni lolo. Hindi lang si Nissan ang nakakaalam na ginawa nila, bakit si Nissan lang ang hinahunting nila?" hinawakan nya ang baba nya at nag-isip. Nakibitbalikat lang ako. 

Isinuot ko ang jacket ko at napaisip din kung bakit kilangan humantong pumatay si lolo. Ano bang kailangan nya? hindi pa ba sapat ang pera nya na meron sya? o baka may ibang dahilan?

"Are you guys ready?" tumingin ako sa pintuan. Laking ngiti ko nubg makita si maid kasama ni Ate Yani.

"Yes hon." sagot ni Kuya kay Ate Yani. Tumingin sakin si Kuya. "Mas nakakabuti na don muna kayo sa condo ko tumira. Hindi safe sa bahay mo o sa bahay nila Mama dahil walang magmo-monitor don sa inyo kahit madami pang bodyguard. At tsaka may secret path si lolo sa bahay nila Mama kaya sya nakatakas, baka gamitin nya yon kung nandon kayo." tumango lang ako, kung saan magiging ligtas si maid okey lang sakin.

Lumapit sakin si maid na may nagtatanong sa mukha. Hinawakan ko ang kamay nya.

"Magiging okay lang ako, mamaya lang wala na itong lagnat ko." sagot ko sa kanya dahil alam ko naman na yung lagnat ko ang pinag-aalala nya.

Bumuntong hininga sya at tumango. Napangiti ako at pinagsiklop ang mga daliri namin.

Lumabas na kami ng hospital at masasabi ko na mahigpit nga ang bantay samin dahil lagpas sa sampu ang bodyguard na nasa paligid namin kaya pinagtitinginan kami ng mga tao rito. Pero ayos lang para sa kaligtasan namin ito.

Gamit namin ang kotse ni Kuya, nasa harapan sila ni Ate Yani habang kami ni maid nasa likod. Yung mga bodyguard may sasakyan silang dala, isa nasa unahan at dalawa sa likuran namin. Parang tuloy kaming anak ng presidente ng pilipinas sa lagay namin.

Napatingin ako kay maid na sumandal sya sa balikat ko. Napangiti ako at iniligay sa bewang nya ang kamay ko. Mas kuntento ako sa ganito lang kami ni maid kaysa nung time na kami pa ni Sean na palaging may surprise at may mga pabulaklak pa at chocolate. Hindi sa ikinokompara ko silang dalawa, masaya din naman ako nung kami pa ni Sean wala lang mas sasaya pa na ganito lang kami kasimple ni maid. Isang araw nga lang kami hindi magkita namimiss ko na sya, paano pa kung sobrang tagal pa? baka nabaliw na ako non.

Naramdaman ko ang pagdampi ng malalambot na labi ni maid sa leeg ko na nagpataas ng mga balahibo ko sa katawan. Mygod, maid!

"Ma-maid." mahinang tawag ko sa kanya. Naramdaman ko ang pangiti na sa pagkasubsob nya sa leeg ko. Napakagat ako ng labi na maramdaman ko ang paghinga nya sa leeg ko.

Torture ito bes!

"Sira ulo!" natatawang sabi ni Ate Yani kay Kuya tapos tumingin sya samin ni maid. "Tumataas ba lagnat mo Left? namumula ka." nag aalala sabi nya.

"A-ah yeah sa tingin ko pero okay lang ako, don't worry." ngiting pilit ko sa kanya. Tumango sya at bumaling ulit sa unahan.

Napahinga ako ng malalim at bumaling kay maid. Napairap ako dahil ramdam ko pa din yung ngiti nya.

Nakarating kami sa condo unit ni Kuya at sa tingin ko mas dumami yung magbabantay samin dahil meron sa entrance ng parking lot, entrance ng building, sa elevator at sa tingin ko pati sa fire exit meron din. Napailing na lamang ako. 

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon