37- The Storm... Curse

6.6K 299 31
                                    

"Bakit kasi sumama ka pa, Collier? My gosh. Paano kung may mangyaring masama sa'yo?" panay ang talak ni Tiana while sharpening her two sai.

"Pwede ba, Tiana? Hindi na ako bata, okay? Ilang taon na ba akong nag-aaral dito sa academy? I am on top of my class since I was thirteen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Pwede ba, Tiana? Hindi na ako bata, okay? Ilang taon na ba akong nag-aaral dito sa academy? I am on top of my class since I was thirteen. I may not be as experienced as you are but I am good enough," nakasimangot na sagot naman ni Cole. Nakahalukipkip ito sa gilid ng upuan, malapit sa pintuan ng compartment ng tren kung saan sila nakasakay.

"Underage ka pa rin. Hindi ka pa dapat sumasama sa ganitong uri ng misyon."

"Mission? Tumakas lang tayo sa academy. Hindi official ang mission na ito."

"You two, please shut up! Naririndi na ako sa inyo. Ilang araw na kayong maingay," singhal ni Quinn na nakaupo naman sa tabi ni Cole at sa kabila nito ay si Erick na mukhang inaantok.

"I've been asking myself for days, what are you two doing in here?" dinuro pa ni Tiana ang mukha nina Quinn at Erick gamit ang sai na nasa kanang kamay nito.

"You all need a guardian. Hindi ko kayo napigilan sa pagtakas pwes bubuntot ako sa inyo," nakasimangot na sabi ni Quinn.

"Just so you know, hindi kayo welcome dito. Kayong dalawa," hindi pa rin tapos si Tiana sa panunuro gamit ang weapon nito.

"Ang ingay n'yo naman. Kita n'yong may natutulog oh," biglang sigaw ni Malik na kakagising lang. Nakabaluktot ito sa upuan nito sa tabi ni Erick, sa tabi ng bintana. Ang sama ng tingin nito sa dalawang babae.

"Ugh! Why is it so freaking noisy?" bulyaw ni Gaius to no one in particular. Pula ang mga mata nito at tila hinihingal pa.

Nagdilat na rin ng mga mata si Deus na nakaupo sa gitna nina Gaius at Tiana.

"Kasalanan mo," paninisi ni Tiana kay Malik.

"Ba't ako? Kayo ang nagsimula?" react naman agad ng lalaki.

"Shut up! Shut up!" sigaw ni Gaius saka pabagsak na sumandal.

Huminga ng malalim si Deus.

"Did you make contact with Rifka?" tanong ni Tiana sa kakambal.

Umiling naman si Deus. "Hindi namin mapasok ang subconscious ni Rifka. She is obviously unconscious but there was something wrong. Mukhang nasa loob siya ng isang barrier or something."

Gaius tried to enter Rifka's dreams and Deus used a power enhancing spell upang maabot ito ni Gaius. But there was no luck.

"We managed to enter Beynish's dream though," pagpapatuloy ni Deus.

"Nasaan sila?" tanong ni Erick.

"Surial," si Deus pa rin ang sumagot dahil walang balak na magsalita ni Gaius. Nakatitig lang ito sa bubong ng compartment na tila malalim na nag-iisip.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon