Trivia

659K 21.2K 6.4K
                                    

Ayun... Hindi umabot ng 10chapter.
Bigay nalang ako Trivia, about sa AMNSE at mga Ulupong.


Trivia #1
Nagsimula ang AMNSE habang naka-higa ako sa duyan at nagbabasa ng The Four Badboys And Me... Yes! You read it correctly. Puro english kasi ang binabasa ko sa wattpad at late ko na tinignan ang mga sikat na story ng pinas.

Anyways, panu nangyari? Habang nagbabasa ako, may part ng story na inilipat si Candice sa Section nila Jeydon. Sa pagkaka-intindi ko (hindi ko na kasi natapos), walang babae sa Section nila Jeydon. Full support din sila ng sumali sya ng pageant.

Dun na pumasok si What if... What if may Section na iisa lang ang babae? But somehow full support sila sa lahat ng bagay. #TropaGoals. Pero ayoko ng pabebe, ayoko ng inaapi, gusto ko medyo maldita.

Then isinilang ang babaeng lokaret ata.... Ipinangalan ko sa pamangkin kong naglalaro sa loob ng bahay nila.

👏👏👏👏👏👏👏👏👏 *clap**clap*




Pero, ngunit, subalit, datapwat.... Hindi ko kinuha si Aries, Percy, Yuri at Keifer sa Four Badboys. Dahil hindi naman badboy si Aries---kahit hindi halata.

Ang original plan ay Keifer, Jay-jay at Aries lang---then the Ulupongs. Yes! Indeed! Love triangle ang tatlo. Kasi nga ampon lang si Aries. Kaya ayun, wala talaga si Yuri at Percy.

Eh inspired masyado ang Lola nyo. Pindot lang ng pindot ng letra sa cellphone. Hindi ko namalayan nabuo na pala si Yuri tapos dapat may gagawin syang masama kay Jay-jay pero nabago na.

Si Percy? Gusto ko kasi yung lalaking parang laging naka-sunod sa bida. Dapat may gusto din sya kay Jay-jay. Kayalang puta! Ganda naman ng bida! Nahiya yung ganda ko.

Kaya nabuo ang APYK! Or KYPA or KYAP. Basta silang apat!






Sa mga Ulupongs....

Ang pangalan ni Blaster ay galing sa kalahok ng Music Hero sa EatBulaga. Nagalingan ako sa kanya kaya kinuha ko pangalan nya.

Si Josh din... Dun ko din nakuha. Mga last character na kasi yan. Tipong tinamad na ko mag-isip ng pangalan. Pero yung character nya inspired sa bida ng story ni blindcloud, yung the Transfer Student from Public High.

Si Denzel? Dastan talaga original name nyan pero tunog daspan kaya iniba ko. Si Grace na gf nya, sa pangalan ng classmate kong Mary Grace---na medyo may galit ako. Hehehehe

Si Calix? Meron kasi akong listahan ng mga pangalan para sa mga Baby boy. Nakita ko yan at sabi ko parang ang astig pakinggan.

Si Edrix naman, pumasok lang sa isip ko tapos late ko na napansin na magkatunog pangalan nila ni Calix. Kaya dinagdagan ko ng Knight. Rhyme baby, rhyme.

Si Rory naman, meron akong narinig sa tv na ganun ang pangalan. Movie ata yun. Tapos sabi ko parang ang unique pakinggan.

Si Kit, obviously sa crush kong si Kit Harrington. Yung gumanap na John Snow sa Game of Thrones. Wala naman akong balak gawin syang bakla... Ini-mini-maynimo lang ginawa ko don. Hahahaha

Si Mayo? Meron akong isa pang story. About sa babaeng may multiple personality. May kaibigan syang Mayo ang pangalan and it's a Girl. Kinuha ko nalang kasi hindi naman na-publish yng story na yn. Jeson is pronounce as He-son.

Si Drew or Andrew ay pangalan ni Kuya ko. Oo may kapatid akong lalaki. James Andrew ang totoo nyang pangalan pero nakuha ko ang nickname na Drew kay Drew Arellano. Magka-pangalan kasi sila ng Kuya ko. Andrew James nga lang sya.

Si Eren naman... Sa Attack on Titans. Hehehehe. Nanonood kasi ako ng movie non. Tapos naisip kong hiramin ang pangalan ng bida.

Si Felix ang unang nabuong pangalan bago si Yuri at Percy at iba pang ulupong. Bago din si Aries. Basta nabuo lang sya sa isip ko.

Si Eman... Hahahahaha... Kasi gusto ko yung pangalang Eman. Kayalang gusto ko nickname lang yun tapos malupit ang real name. Ayun nga! Malupet nga, superman. Sabi ko gusto ko may Chef sila.

Alam nyo naman na yung kay Ci-N at David. Wag nyo ng hanapin ang real David Brewer. May asawa't anak na yan.


Hahahahahaha... Sa susunod nalang ulit. Visit our group and page! Mwuah! 😚😚😚

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon