Chapter 1

43.6K 557 70
                                    

Ilang araw nalang pasukan nanaman. Magugulantang nanaman ang mundo ko sa mga magiging bago kong kaklase, may chix kaya akong magiging kaklase? Swerte nila pogi magiging kaklase nila.

Gabriel Diaz nga pala, Gabe for short at para sa mga tamad, simpleng poging maganda. Di ko rin alam kung ano ako sa dalawa basta ang alam ko lang ang hanap ko rin ay maganda.

Tatlong taon na rin simula nung may naging girlfriend ako, si Glydene. Mahirap din pala mag move on lalo na kapag first love mo yung ex mo, tas naghiwalay kayo kasi ayaw niya na, nagkakasawaan na. Yung tipong kahit hindi niya sabihin alam kong ayaw niya na, yung mata niya nagsasalita para sakanya. Kaya ako na yung tumapos. Pero move on na tayo dun. Malapit na ang pasukan marami ng magagandang makikilala.

"Gabe! Gabe!!!!!!"

"Oh?! Oh?!?" tumayo ako para buksan ang pinto ng kwarto ko, alam ko yung boses na yun kay Gale yun, bff ko.

"Huy alam mo na ah. Sa SUP tayo mag-aaral ng Grade 11 ah!" sabi ni Gale.

SUP. Dream school ko talaga yun, madaming nagsasabi sakin na kung mag-eengineer ako dun ako mag-aral dahil kilala ang school na yun para sa engineering na course. Balak kong kuhanin na course pag college ay computer engineering, palag palag na.

"Oo naman!! Kaso magkaiba tayo ng strand na kukunin." Sabi ko.

"Oo nga eh pero magkikita pa rin naman tayo dun eh. Tsaka alam mo na sabihan tayong maghahanap ng chix at pogi dun." Sabi ni Gale.

"Sure, that's what I like btch." Sabi ko.

"I know btch." Sabi niya.

-----------

"Ma, sa SUP ako mag aaral sa Grade 11 ah. Science University of the Philippines yun ma, malupet yun!!" sabi ko sabay subo ng pagkain na niluto ni mama.

Naglagay si mama ng pagkain sa lamesa at kumuha pa ako ng marami, at umupo na rin siya.

"Sige basta mag-iingat ko dun, at wag na wag ka magpapaapekto sa masasamang kung ano jan Gabriel ah sinasabihan na kita!" sabi ni mama.

"Oo naman ma! Ako pa ba!!" sabi ko.

"Malay mo makahanap ka pa dun ng bagong Glydene ng buhay mo." Pang-aasar ni mama at bigla siyang natawa.

Alam naman ni mama na bisexual ako, at tanggap niya naman daw gusto rin daw niya kasi ng anak na lalaki, tatlo kami at lahat babae, di na rin kami gaanong nakakapagkita ng mga kapatid ko kasi nasa ibang bansa sila kasama si papa. Nakakamiss pero alam ko kaya sila malayo para sa amin ni mama lalo na sa akin dahil nag-aaral palang ako. Pero back to Glydene.

"Ma naman, naka move on na si ako." Sabi ko.

"Di ko naman sinasabing di ka pa nakaka move on, ang sinasabi ko lang maghanap ka na ng iba diyan!" sabi ni mama.

Maghanap ng iba? Tatlong taon ko na rin di naiisip yun ah, pa crush crush lang pero commitment? Wala akong balak diyan, wala sa bokabularyo ko yan. Pero sana may isang taong magparamdam sakin na hindi mahirap ang commitment lalo na sa taong worth it.

"Opo ma!! Promise bibigyan ko kayo ng maraming apo!!" pabiro kong sinabi.

"Hay nako Gabriel E. Diaz, di ka makakabuntis, alam ko rin namang di ka mabubuntis dahil chix ang hanap mo hindi dragon." Sabi ni mama.

Muntikan ko ng maluwa lahat ng kinakain ko ng sinabi ni mama yun!

"Ma naman!! Kumain na nga lang tayo!!" sabi ko.

"Ma naman!! Kumain na nga lang tayo!!" sabi ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon