#29: Let the Love Begin

687K 13.7K 1.9K
                                    

~*~

You're so close, but so far

It's tearing me apart

What I would do to be there with you

Inangat ko ang ulo ko at umayos ng upo habang pikit pa rin ang aking mga mata. Nangalay ata ang leeg ko sa kakasandal sa balikat ni Nathan kaya time out muna.

You're so close, yet so far

It's tearing me apart

What I would do to be back with you

Hindi ko namalayan na unti unti nanamang bumabagsak ang ulo ko pero buti na lang at may kung anong malambot na bagay na sumalo. Ahh, ang sarap sarap talaga pag may nasasandalan ka pag natutulog.

We're so close, yet so far

It's tearing me apart

What I would do to be there with you

Tapos ang bango bango pa. Amoy mint strawberry perfume. Hindi ko alam na magkatulad pala ang pabango ni Nathan pati ni Ty---

You're so close, yet so far

It's tearing me apart

What I would do to be back with you

Bigla ko namang naimulat ang aking mata at dahang dahang napalingon sa lalakeng sinandalan ko. Oh shit, I really thought I was leaning on Nathan. But...

"Tss, good thing you're awake. Ang bigat ng ulo mo." he said coldly.

Dali dali ko namang inangat ang aking ulo at sinamaan siya ng tingin. Kasalanan ko ba na hindi ko namalayan na sa kanya pala ako nakasandal? Psh, pwede niya naman tinulak yung ulo ko eh.

"Sorry, tsk." I said with a robot tone.

Pumikit naman siya at tahimik na nakikinig sa kanyang ipod. Sana palagi na lang siyang tulog para mukha siyang anghel. Ang amo ng mukha niya at ang kinis kinis pa.

"It's rude to stare." bigla niyang sabi habang pikit pa rin ang kanyang mga mata.

What the heck? May third eye ba ang demonyong ito? Iniwas ko naman ang tingin sa kanya. Bwisit, nahuli pa ako.

"I am not staring. Kapal mo." sabi ko at inirapan siya.

Nakita ko naman sa peripheral view ko that he suddenly smirked. Tsk, this jerk! 

After how many hours of waiting ay sa wakas nakarating na rin kami sa hindi ko alam kung saan. Isang liblib na lugar na puro puno lang ang aking nakikita. Is this place still part of the city?!

"Okay guys, we need to move fast. Malayo pa ang camping area sa gubat na ito. We'll have a 2 hour walk bago makarating so let's make it faster!" sigaw sa amin ni Sir James.

Bumaba naman kami agad ng bus ng may bitbit ng kanya kanyang bagpack. Lech, bakit parang ang bigat bigat ng bag ko? Ano ba ang ang nilagay ni Jade dito? Aish.

"Need help?" tanong ni Nathan sa akin.

Umiling naman ako at ngumiti sa kanya. Such a gentleman talaga tong si chinito. Pero syempre ako si Rien Saavedra so kaya ko na to.

"Thanks but no thanks. I can handle this." sabi ko.

Tumango naman siya at naglakad na kami papunta sa camping area.

---

"Wow this camping is fun. Super." I said sarcastically.

It's one o' clock in the afternoon. Gutom na gutom na ako dahil wala akong breakfast. Akala ko handa na ang lunch pero---

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon