Chapter 20

134K 2.2K 318
                                    

                                                     

                                                                    •••••

Simpleng inoobserbahan ni Lance si Clarisse habang hinihintay nila ang isang late na kliyente sa isang japanese restaurant. Tahimik at maaliwalas ang mukhang nagbabasa ang abogada ng isang John Grisham novel habang panaka-nakang sumusubo ng paborito nitong sushi't sashimi bilang pantawid gutom. Mag-iisang oras na silang naghihintay sa kanilang ka-lunch meeting dahil naipit daw ito sa isang banggaan sa Quezon Avenue kaya't hindi na natiis ng babae ang gutom. Siya naman ay nagbubukas ng kung anu-anong mga applications sa hawak na tablet. 

"Hindi ka pa ba nagugutom?" puna nito nang mapansing hindi man lang niya ginagalaw ang pagkain.

Naninibago siya sa kilos ng babae nitong mga nagdaang araw. Madalang ng uminit ang ulo nito at mas madalas na itong ngumiti.

"I'm not hungry yet." Ang totoo'y wala lang talaga siyang hilig sa inorder nitong pagkain. His stomach is very sensitive to raw foods.

"Why don't you order some? Huwag kang magpapagutom," untag nito na para bang nabasa ang laman ng utak niya.

Isa pa ito sa ipinagtataka niya sa abogada. Naging mas maasikaso ito kumpara sa dating tila lagi itong walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya.

"Teka nga ako na mag-oorder for you," giit nito.

"Huwag na attorney. Mamaya na lang pagdating ng kliyente tutal hindi pa naman ako gaanong gutom," pigil niya bago pa man ito makatawag ng waiter.

"Sigurado ka?" nag-aalalang ika nito.

"I'm alright," paninigurado niya.

Tumingin ang babae sa oras at itiniklop ang hawak nitong libro. "Maghintay pa tayo ng mga 30 minutes. Pag wala pa rin ang client, ireschedule na lang natin sa ibang araw ang meeting. Let's transfer to another restaurant and have some decent lunch."

Naalala ni Clarisse na wala nga palang kahilig-hilig sa japanese food ang kasama. Makakapaghintay pa naman sana siya sa ka-meeting ngunit inaalala niya ang lalaki baka hindi lamang ito nagsasalita dahil ayaw nitong makaabala.

"Okay," sagot ni Lance nang may maaliwalas na ngiti. Pansin niyang natuwa ito sa narinig na lilipat sila ng ibang restaurant. Sabi na nga ba't ang pagiging pihikan sa pagkain ang dahilan ng pagtanggi nito.

Babalik sana sa pagbabasa si Clarisse ngunit naagaw ang atensiyon niya ng magkasintahang nakaupo sa tapat ng kanilang table. Halos kaedaran lang ang mga ito ni Lance at Scarlet at gaya ng dalawa parang lalanggamin din ang mga ito sa sobrang kasweetan sa isa't isa. Nagsusubuan, naglalambingan at nagtatawanan.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon