/15/ Lost

103K 4.5K 1.4K
                                    

SINIKAP kong habulin sila, naririnig ko pa rin ang pagtawag ni Jing Rosca sa likuran ko ngunit nagpatuloy lamang ako sa pagtakbo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SINIKAP kong habulin sila, naririnig ko pa rin ang pagtawag ni Jing Rosca sa likuran ko ngunit nagpatuloy lamang ako sa pagtakbo. Hanggang sa nakita ko silang pumasok sa loob ng isang tent. Nang makarating ako sa harapan nito'y hindi ako nag-atubiling pumasok sa loob.

Walang tao.

Kapansin-pansin na mas malaki ang espasyo sa loob kumpara sa kung ano ang makikita sa labas. May mga nakasinding kandila, may isang pahabang mesa, isang hour glass, mga nagkalat na libro, papel at —

"Welcome," napapitlag ako sa boses at namalayan ko na lang na nasa harapan ko ang isang lalaki, hindi siya 'yung nakita ko kanina, namumuti na ang kanyang buhok, balbas sarado, makapal ang kilay at bilugan ang mga mata. "I'm sorry if Sida caused you a trouble to bring you here." Sida? Iyon 'yung pangalan ng babae kanina na tumawag sa'kin na Aeon at player.

"S-sino—Who are you?"

"Galing pala tayo sa iisang bayan," nagulat ako sa sinabi niya, he can speak the same language. "Ako nga pala si Dante, ikaw?"

"Jill Morie."

"Ah! Morie. I know that name, sikat na sikat sa Sentral City," he's indeed from the same land. "Maupo ka, bisita ka rito." Napansin ko rin 'yung suot niyang damit na parang nilipasan na ng mahabang panahon, parang basahan na ayaw palitan. Pagkaupo ko'y lumingon siya sa likuran. 

"Come here." At lumabas mula sa madilim na bahagi ang dalawang nilalang na hinabol ko kanina, ang babae na tinawag nilang Sida at ang isa pang lalaki na ngayon ay nakababa na ang balabal. Mas napagmasdan ko ang itsura nilang dalawa, they're both foreign, Sida has a red hair and the man beside her has a blond hair.

"Dante," the man with blond hair spoke. "You know that it's forbidden to talk with them."

"I know, France," tumingin sa'kin ulit si Dante. "But she's here because she's seeking for the truth."

"Truth?" sabi ko, napakunot.  "Who are you, people?"

Dahan-dahang ngumit si Dante at magsasalita

"Jill!" pare-parehas kaming napatingin nang dumating bigla si Jing mula sa labas. Akma niya 'kong hihilahin pero tinabig ko ang kamay niya. "Jill, naghihintay sila Eliza sa—"

"Jing, please," pakiusap ko sa kanya.

"Alright," she gave up and then she moved back.

Tumingin ako muli kay Dante at hinintay muli ang dapat niyang isasagot kanina.

"Kami ang patunay na hindi totoo ang mundong 'to," bahagya akong napangang sa sinabi niya. "Nandito ka dahil hinahanap mo ang sagot? Hindi ba?"

"Paano mo..." napatingin din ako sa mga kasama niya. "Paano niyo nalaman?"

"Well, Sida found you," lumingon si Dante kay Sida at muling tumingin sa akin, pati kay Jing. "Like you, we are Aeons. Sida has the power of the mind."

Memento, Morie (The Peculiars' Tale Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon