Kabanata 18

20.1K 763 5
                                    

Itanong mo sa akin
Kung sino'ng aking mahal
Itanong mo sa akin
Sagot ko'y di magtatagal

Huh? Ano yun? Tinignan ko ang orasan, 5am palang. Langya, ngayon pa na-isipang mag-video oke ng mga taong to, kung kailan wala akong trabaho. Hinila ko ang kumot para matakpan hanggang ulo.

Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman

Teka, bakit parang.. Tumayo ako at binuksan ang bintana ko sa kwarto. Napanganga ako sa nakita ko. Si Zec, nakatayo sa labas, nakasuot ng puting na polo shirt at maong na pantalon at may hawak na gitara.

Ngumiti siya sakin pagkatapos ay kumindat. Napatakip ako ng bibig ko. Nandito siya?

"Sandali mag-aayos lang ako." Nakita ko pa siyang tumatawa at umiling bago ako tumakbo papuntang banyo.

Nagsipilyo ako pagkatapos ay sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko. Nagawa ko yun lahat sa loob ng isang minuto naririnig ko pang tumutugtog ang gitara. Pagbalik ko kumanta na ulit siya.

Isa lang ang damdamin
Ikaw ang aking mahal
Maniwala ka sana
Sa akin ay walang iba
Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman

Malaki ang binatana ng kwarto ko kaya hanggang bewang lang ang pader na nakapagitan sa aming dalawa. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, hinawakan ko ang pisnge niya at patuloy parin siya sa pagkanta.

Nandito nga siya.

Ang nais ko sana'y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran
At kahit sa'n pa man
Ang laging isisigaw
Ikaw ang aking mahal...

"Goodmorning babe." Bulong niya pagkatapos niyang kumanta. Ikinulong ko ang mukha niya sa mga palad ko at hinalikan siya sa labi. Sobrang na-miss ko ang lalaking to.

"Nandito ka. Nandito ka na." Umiiyak na sabi ko at niyakap ko siya.

"I told you I'll come back for you." Sabi niya habang hinahaplos ang likod ko. Hinalikan niya ang noo ko.

"Okay na sana eh." Kumunot naman ang noo niya. "Okay na sana, kaso ang pangit ng boses mo."

Parehas kaming natawa. Okay na sana talaga, ang kaso nga lang sintunado siya. At least di ba, alam niya ang lyrics.

"Oo na. Alam ko." Pinisil niya ang ilong ko. "Pasalamat ka mahal kita."

"Kararating mo lang bakit aalis ka kaagad?" Nakasimangot na tanong ko kay Zec. Nasa kusina kami at kumakain ng agahan. Magdamag pala siyang nasa biyahe papunta dito.

"My family wanted to have a party. That's why I'm here, gusto ko nandoon kayo." Natigil kaming lahat sa pagkain.

"Kaming lahat sa Maynila?" Tumango naman si Zec. "Pero bakit mo kami gustong isama doon?"

"Kayo ang nag alaga sakin. Dapat lang na nandoon kayo. Especially you, ikaw ang nagligtas sakin and you're my girlfriend."

"Pasensya ka na Zec pero may mahalaga kasi akong gagawin ngayong araw. Kung gustong sumama ng dalawa sila nalang." Sabi ni lola. Sinimangutan ko siya.

"Ako din kuya Zec mag-aaral pa po ako para sa scholarship. Kung gustong sumama ni ate Kriseng siya nalang po." Sabi din ni Kiko. Bakit ayaw nilang sumama? Samantalang dati excited ang kapatid kong to na makapunta ng maynila.

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon