chapter 9

16.9K 342 3
                                    

Cane Pov

"Cane." Rinig kong saad ng tao mula sa aking likoran.

"Sabi ni Moning e' sinabihan mo raw siya na pagkauwi ko ay dumiretso na ako rito." Nanatili akong nakatalikod rito saka nagsalita.

"Yes. I just want to talk to you again." Sabi ko at tinuloy ang pagsusuklay sa aking buhok.

"Ano pa ba ang pag-uusapan natin? You already told me about us being fuck buddy ngayon ano na naman ba ang kasunod?" Mariing saad nito, bakit parang galit pa rin ito sa naging pag-uusap namin? Hindi ko talaga ito maintindihan dapat kasi masaya na ito ngunit sa pinapakita nito sa'kin ay mas naguguluhan ako.

"I want to have my freedom to go out, hindi mo ako preso na ikukulong mo dito I am now your WIFE!" Inilapag ko ang suklay sa kama saka tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at hinarap si Kaino na ngayon ay nakakuyom ang mga kamao mukhang nagpipigil rin ito ng inis o galit pero wala akong pakealam! I am now his wife so kailangan ko rin makuha ang mga karapatan ko hindi naman ako tatakas dahil alam ko namang wala akong takas sa ama ko at kung may pagkakataon man ako makatakas tiyak na gagawa at gagawa ang ama ko ng paraan para mahanap at pahirapan ako gaya ng gusto nitong gawin sa'kin.

"The hell! WIFE?! 'Di ba sinabi mo lang kagabi na sa papel lang tayo kasal at we are just FUCK BUDDY! Kaya hindi tayo mag-asawa Cane! Tandaan mo 'yan dahil ikaw ang may gustong ganiyan ang ayos natin." Malamig na tiningnan ko ito at saka humalukipkip para itong batang inagawan ng candy at nagtatantrums. Ano ba ang pinuputok ng butsi nito? I am giving him a favor ngunit parang hindi nito iyon nagugustuhan.

"Mr. KLODE kahit FUCK BUDDY ay may kalayaan din teka ano bang gusto mo 'yung magkulong ako rito? Shit! Meron din akong mga kailangan gawin kahit nakuha mo na ang kompaniya ng RICHELIU still I HAVE MY OWN COMPANY THAT I NEED TO HANDLE NANGGALING IYON SA DUGO'T PAWIS KO AT HINDI KO HAHAYAAN NA PATI IYON AY MAWALA SA'KIN" Mariing saad ko frustrated na napasabunot ito sa sariling buhok nabaliw na ata. Kabwisit e'.

"Kung makasalita ka ay parang ikaw lagi ang dapat masusunod! Ni minsan hindi mo man lang ako tinanong kung ano ang gusto ko!" He said that made my blood boil in rage.

"Bakit tinanong n'yo rin ba ko kung gusto kong makasal sa'yo? Tinanong n'yo ba ako kung anong mararamdaman ko kung ang sarili kong ama ay may ibang tinuturing na anak kaysa sa'kin? Tinanong mo ba ko kung gusto kong makulong dito? Tinanong mo ba ako kung okay lang ba sa'kin na makasama ang taong kinamumuhian ko sa iisang bubong? Now tell me KAINO tinanong mo rin ba ako kung anong mararamdaman ko ng pagsabihan n'yo ko ng masasamang salita?" Hindi ito umimik at tumingin lang sa'kin na parang hinahayaang ilabas ko lahat ng galit ko at sama ng loob why is he doing this, mahirap ba talaga akong bigyan ng pagkakataon ng sumaya man lang kasama ang mga kaibigan ko? At bakit ba lagi nitong gustong magalit ako?

"'Di ba dapat masaya ka dahil I already surrendered. binigay ko na ang gusto mo! Binaba ko ang sarili ko para maging fuck buddy mo! At ito lang nga ang hinihingi ko ang makalabas man lang kahit saglit sa impyernong lugar na 'to ay hindi mo pa mabigay?! Pwede ba Kaino don't act as if you care, and please don't act as if hindi mo nagugustuhan na ako'y nahihirapan!" Hinihingal na napaupo akong muli sa kama dahil sa nanghihina ako I am so confuse at nagagalit ako rito dahil ang hirap nitong kausapin! at nagagalit rin ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko! Hindi ko alam kung bakit parang may konting saya na umusbong sa puso ko because of him acting like he care gaya na lang nung pinagtatanggol niya ako sa ama ko.

Ngunit lamang pa rin ang kagustuhan ko maialis sa sistema ko ang damdaming iyon dahil alam kong wala iyong patutunguhan this man infront of me is just acting! Wala talaga itong pakealam! At gawa-gawa lang nito iyon para mas mahulog ako sa bitag nito. I want to scream! Because just thinking of that makes me feel something na parang nanghihinayang Fucking shit! I hate this feeling!

"I care because you're now my wife! At sa tingin mo ba gusto rin kita makasama?!" Galit na usal nito na kinasikip ng puso ko.. "Sorry miss pero hindi ako pumapatol sa tulad mong boring." Bumalik ang sinabi nito sa'kin kaya napatawa ako ng malakas napatingala pa ako sa kisame at parang naluluha dahil sa mga pinagsasabi nito.

"Ayy oo nga pala isa akong boring na babae na ayaw mong makasama, Sorry my bad I almost forgot, masyado ka kasing magaling umarte." Tumawa ako saka tumayong muli, tiningnan ko ang pagbakas ng pagtataka mula sa mukha nito at nagulat rin ako sa isa pang emosyon na lumarawan sa mga mata nito na parang may lungkot? Arghhh I am hallucinating again! ako yata mismo ang gumagawa ng isang bagay para masaktan ako.

"What do you mean magaling akong umarte?" Umiling ako saka dumiretso sa banyo bahala siya riyan hindi ko alam kung bakit ko 'yon sinabi?
Gusto ko tuloy iuntog ang ulo ko sa pader bwisit!

Nang makapasok ako sa banyo ay agad na naligo ako maybe kausapin ko na lang uli si Kaino bukas nasobrahan yata kasi ako naging madaldal ako kaya ang nangyari muntik na akong mabuking I sigh

Kinuha ko ang blue robe at saka sinuot iyon bago lumabas ng banyo. Ngunit ang inaasahan kong umalis ng Kaino ay hindi nangyari dahil ngayon ay nakikita ko itong nakaupo sa kama habang nakasubsob ang mukha sa mga kamay nito at naramdaman ata nito ang presensya ko kaya nag-angat ito ng mukha nang magtama ang mga mata namin ay nagulat ako ng makita ko ang mga mata nitong puno ng intensidad.

Napalunok ako ng bumaba ang mga tingin nito sa kabouan ko, nakita ko rin itong napalunok ng dumako ang paningin nito sa mga hita ko maniac!

"Aherm!" Tumikhim ako para makuha ko ang atensiyon nito. Napailing naman ito saka napatayo ito mula sa kama at tiningnan lang ako ng mga mata nito na parang hinihintay na ako ang maunang magsalita.

"What are you still doing here?" untag ko at naglakad ngunit ng malapit na ako rito ay saka naman naganap ang hindi ko inaasahan 'yon ay ang madulas ako at sng inaakala kong babagsak ako sa sahig ay hindi nangyari dahil naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng matitigas nitong bisig sa aking beywang at saka hinila ako papalapit dito.

Tumingin ako sa mga mata nito I was shock. Ramdam ko ang mainit nitong katawan na nakadikit sa'kin pati na rin ang mainit at mabango nitong hininga na tumatama sa aking mukha.

Tinaas nito ang isa nitong kamay at naramdaman ko na lang ang daliri nito na humahaplos sa pisnge ko. Napaawang ang labi ko dahil sa ginagawa nito ngunit mas nagulat ako dahil sa sinabi nito.

"You're beautiful with emotion written all over your face. Ang ganda mo at ngayon ko lang napansin ang unti -unting pagkakaroon ng emosyon ng mga mata mo." Nanlaki ang mga mata ko nang ngumiti ito saka hinalikan ang labi ko ng isang halik na parang hangin dahil mabilis lang iyon.

"I'm sorry." Natigalgal ako sa sinabi nito,bakit ito nagsosorry? Ang daming rason ngunit hindi naman nito iyon binanggit he just said sorry gusto kong magtanong ngunit hindi ko mahanap ang boses ko. Nagsosorry ba siya dahil sa halik?

"I'll let you have your feedom to go out Cane because I know that you care for your friends and I am happy that behind that cold eyes still may mga oras pa ring nakikita ko itong nagkakaemosyon and I just can't wait to see you smile sana lang magtuloy tuloy na." Hindi mo lang alam Kaino ikaw lang ang may kayang magpalabas ng iba't ibang emosyon mula sa akin at hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa ito mapipigil na tuluyan ng lumabas ang kakaibang emosyon na matagal ng nagsisimulang umusbong sa kalooban ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa asul nitong mga mata and I don't like it kaya tinulak ko si Kaino at umiwas ako ng tingin dito.

"Thanks, you can go out now." Sabi ko at hindi ito tiningnan.

Your dangerous for me Kaino at hindi ka nakakabuti para sa'kin lalo na para sa puso ko.

😘😙😚😚😚😘😘😘😚😚😚😚😜😚

Hi guys sorry po kung ngayon lang na update ang kay cane. Akala ko po kasi na update ang chapter 8 pero wala pala

Sorry again guys.. kaya eto pambawi.

Hate Series 4: Hayley Cane (completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin