Kabanata f(x - 36)

542K 15.4K 33K
                                    

[Kabanata 36]

"These dreams go on when I close my eyes
Every second of the night I live another life
These dreams that sleep when it's cold outside
Every moment I'm awake the further I'm away"

-Heart (These Dreams)



Naalimpungatan ako nang marinig ko ang tunog ng alarm ng phone ko. Agad kong kinapa iyon sa ilalim ng unan ko at pinatay. Sobrang bigat ng ulo ko, Ano bang nangyayari sa'kin?

Napatulala pa ako ng ilang saglit habang nakatitig sa kisame, nanaginip ata ako pero parang na-shuffle na ang lahat ng nangyari sa panaginip ko at ngayon hindi ko na maalala.

Pero may nag-iisang bagay akong naalala... parang may mga liwanag sa madilim na kalangitan ang lumilipad sa ere pagkatapos biglang hinawakan ng isang lalaki ang kamay ko pero ang labo ng mukha niya, hindi ko na maalala ang itsura niya, pero may mga salita siyang binitiwan na hindi ko naintindihan.

Te amo Salomé ... y seguiré diciendo eso hasta que nos encontremos otra vez

Parang pangalawang beses ko na narinig ang mga salitang iyon, noong nakaraang buwan napanaginipan ko rin ang salitang iyon habang nakaupo ako sa piano. Hindi ko alam kung bakit nandoon ako.

Te amo Esmeralda ... y seguiré diciendo eso hasta que nos encontremos otra vez

Gusto ko sanang isearch sa google kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang iyon pero hindi ko alam kung anong lenggwahe at kung paano isulat. Wala na rin akong maalala sa mga sumunod pang nangyari sa mga panaginip ko.

"Aleng, Gising na Late ka na" narinig kong tugon ni mama dahilan para bigla akong mapabangon. Naabutan kong inaayos niya ang higaan ni Alex. Hala! nakaalis na si Alex!

"Kanina ka pa ginigising ng kapatid mo, akala niya di ka na raw papasok" patuloy pa ni mama at napatingin ako sa orasan. Shems! 10 am na!

Late na ko sa first two subjects ko, Late na ko sa Algebra class! "Hindi ba ngayon ang huling klase niyo bago mag-sembreak?" saad pa ni mama, napatulala naman ako dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, last day of classes na ngayon. Kakatapos lang ng Finals namin last week ibig sabihin ngayon ang huling araw ng klase namin sa Algebra.

Pero wala na, hindi ko na naabutan ang huling klase ni Sir Nathan. Late na ko. hindi ko alam pero parang bigla akong nakaramdam ng lungkot at panghihinayang. Bakit kasi na-late ako ng gising? Tapos ang sakit pa ng ulo ko ngayon.

Napahiga na lang ulit ako sa kama. Di bale na, pupuntahan ko na lang si Sir sa faculty room... Teka! Anong gagawin ko doon? Ano ka ba edi sisilipin siya... Aminin.

Napatango-tango na lang ako sa sarili ko, Oo nga magandang ideya 'yan. "Papasok ka ba Aleng?" tanong ni mama dahilan para maputol ang conversation namin ng 'Konsensiya' ko. "Ah, Opo maliligo na ko"

Sana matyempuhan ko si Sir Nathan sa school haays.





"Hoy ngets bakit ngayon ka lang? nakalimutan mo ata na 7 am ang first class natin" sermon sa'kin ni Jen, kakarating ko lang pero sermon agad ang inabot ko sa kaniya. Nasa canteen kami ngayon at medyo maingay na kaya humalo na lang yung palengkera niyang boses sa ingay dito sa canteen.

"Na-late ako ng gising tapos di pa ko ginising ni Alex" sagot ko, bigla namang napaiwas ng tingin si Jen nung sinabi ko yung pangalan ng kapatid ko. "Kelan nga ulit yung release ng final grades natin?" pag-iiba ni Jen ng usapan sabay tingin kay Leana na abala sa pagkain. "Sa sembreak pa bago tayo maka-enroll sa second sem" sagot ni Leana, napatingin naman ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Leana. Wala si Iryn.

Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon