Ito Ang Gusto Ko!

1.1K 2 0
                                    

(Requested)

Noong buwan ng Pebrero, ipinanganak ako.
Pinalaki akong magalang, masunurin at marunong rumespeto.
Pinalaki rin akong may takot sa Diyos na maawain.
Diyos na lumikha ng ating mundo at nagbigay ng buhay natin.

Lahat naman siguro ng tao sa mundo'y may mga pangarap.
Lahat tayo may nais marating sa hinaharap.
Kaya naman ang aking pag-aaral ay pinagbubutihan ko.
Upang makuha ko ang pinapangarap kong trabaho.

Dito sa ating bansa, marami ang gumagawa ng masama.
Ang iba'y napipilitan, ang iba'y sinasadya.
Ngunit kahit gaano pa sila karami, lahat sila'y nahahatulan.
Sapagkat palaging nariyan ang mga tagapagtanggol ng bayan.

Tama. Ito ang gusto ko. Gusto kong mapabilang sa mga ito.
Gusto kong maging isa sa mga pulis na palaging tapat sa serbisyo.
Nais kong ipagtanggol ang bayan ko sa mga masasamang tao.
Nais kong mabigyan ng hustisya ang lahat ng mga biktima sa bawat kaso.

Ito na ang gusto ko kahit noong musmos pa lamang ako.
Sapagkat labis kong tinitingala ang mga kasapi dito.
Ito ang gusto ko dahil nais kong ipagtanggol ang sangktauhan.
Ito ang gusto ko dahil nais kong pagsilbihan ang ating bayan.

Kaya naman ako'y mag-aaral ng mabuti at magtatapos ng kolehiyo.
Dahil tulad din niyo, gusto ko ring maabot ang pangarap ko.
Pangarap na matutupad lamang kapag pinagtiyagaan.
Pangarap na makakamtan kapag pinaghirapan at pinagpursigihan.

Naniniwala ako sa sarili ko na kaya ko ito.
Na balang araw matutulungan ko ang mga nanghihingi ng saklolo.
Na balang araw magiging isa ako sa mga humuhuli sa mga lumalabag sa batas ng gobyerno.
Na balang araw maaabot ko rin ang pangarap ko mula noong musmos pa lamang ako.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon