SANA

641 4 0
                                    

Sana...
Sana kaya kong ibalik yung dati.
Yung dati mong ngiti.
Yung nararamdaman mo.
Yung "tayo" na nawala dahil sa pagkakamali ko.

Sana...
Sana kaya ko ring magkagusto sa iba tulad mo.
Sana kaya ko ring mahulog at ibaling ang atensyon ko sa iba.
Sana kaya ko ring gawin lahat ng iyong nagagawa.

Sana...
Sana isang masamang panaginip lang toh.
Sana bukas pagkagising ko, ako ulit yung iyong gusto.
Sana bukas pagkagising ko, ako ulit yung mahal mo at tinitibok ng iyong puso.

Sana...
Sana...
Hahaha, napaka-dami kong sana...

Mga "sana" na alam kong malabo nang matupad o mangyari pa.
Mga "sana" na hindi na mangyayari kahit maghintay pa ko ng ilang daang dekada.
Mga "sana" na hanggang "sana" na lang naman.
Mga "sana" na alam kong di matutupad dahil sa nagawa kong kasalanan.
~~~~~~~
#BiglaangPiyesa
#NadalaSaNadarama

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon