VII

18.5K 786 582
                                    


See, I think I've lost my sense of feeling, to be quite frank I think my body's missing a piece. My heart's nowhere to be found I've been searching all around.

-Again(Leanne&Naara)







Chapter 7 - No is never an answer.








Thank God, it's Friday.







Wala na yatang ikagaganda pa ang araw na ito, ang pinakahihintay kong end of weekdays. Wala kaming Saturday class unlike sa ibang course kaya nagdidiwang ang lamang loob ko ngayon. Maaga akong pumasok kumpara sa mga nakalipas na araw. Isang great achievement sa akin ang araw na ito, because for some reason...maaga akong umalis ng bahay at nakarating ako sa school ng hindi stress. At, hindi rin naging hadlang ang nag-iisa at nakakaantok na klase namin for today na Literature of the world para mabawasan ang excitement ko para bukas.








Man, I need rest tomorrow.








Magiging busy na ako next week kaya kailangan ko ng advance pahinga. I need that shit. Ambassadors seminar next week straight. Busy na ako. Lagi nalang akong busy.








Pero jusmiyo, excited akong pumasok tapos excited din umuwi? Pumasok lang ako para umuwi.








Nakakaasar, ang bagal ng oras. Nahihikab na ako. Inaantok na ako for real, hindi na basta pagpapanggap lang. Nanghihina na ang mga talukap ko. Gusto ko nang magreklamo. But I just can't, masungit ang professor namin sa subject na 'to. Ako lagi ang nakikita. Ako ang nasisisi. Ako ang laging may kasalanan. Hahaha kanta. Bawal sa kanya ang lulugo-lugo.








"Darling," may sumiko sa akin. Malamang si Margo dahil siya lang naman ang katabi ko. At dahil naging lutang ako sa kangangawa ni sir, nakalimutan ko siyang pansinin. "Kayo ni ano ang partner ah. Yiee gusto niya yan." Hindi ko rin naintindihan ang sinabi niya.







Sa hindi mabilang na pagsilay ko sa orasan ng room namin na parang ayaw ko nang tignan pa sapagka't sa tingin ko'y mas kumukupad lang ang patak ng segundo. Mas mabilis pa ang walang awat kong pagsulyap dito. Subali't hindi ko talaga mapigilan. Halos bantayan ko na ang oras hanggang matapos ang klase.








Ang tagaaaaal!








Bagot na bagot na ako.








Tumingin ako sa pisara.








Hays, sir. Ang bagal mong magturo.








Ang dami niyang sinasabi, ay. Like, blah blah blah blah. Eklabush here, eklabush there and everywhere. Nagstory telling na naman po si bakla——este si ser, myghad.









Hindi naman bakla si prof pero papunta na rin. Lagi ko nga siyang ino-obserbahan whenever I have time or I'm out of interest on his lesson na lagi namang nangyayari kaya marami nga akong time para gawin yun. Kung bakit kasi embes na literatura ng mundo ang ituro niya para naman maorient kami, eh history ng angkan niya ang ibinabahagi niya? Kesyo naabutan daw ng lolo niya sa tuhod si Rizal...meron pang kasama raw sa unang Edsa Revolution ang tito niyang sumakabilang buhay na, tapos may lumang baro't saya raw doon sa bahay ng lola niya sa Cavite, at marami pa. Tignan niyo? Isa nalang talaga ipapahanap ko na kay sir ang pakialam ko sa mga sinasabi niya.








Pagdating naman ng exam, magpapagawa siya ng essay kaugnay sa literature ng isang bansa. Aasa na naman kami sa stock knowledge namin na wala namang kwenta kasi nga stock lang, pucho-pucho pa. Mema na naman kami. Memasagot. Memasulat. Ganyan yan si sir! Badtrip siya. Laging malayo ang nararating ng aming discussion. He's doing it very well. Bigyan nga natin ng desenting palakpak, psh.








Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon