Chapter 11

25 1 0
                                    

SHY'S POV

Chinese new year ngayon kaya wala kaming pasok. Pero nagdesisyon yung choreo namin na magpractice ngayon. May practice din sila Rain ngayon kaso sa ibang lugar. Sabi din niya susunduin niya ako. Eh nasan na siya? Di naman nagrereply eh. Anong oras na! Hinahanap na ako sa amin oh! Haaaay. Nagpasya kami na intayin siya kahit saglit lang kaso bigla na ako sinundo eh. Malas naman! Sinabi ko na lang kay Rain na may sumundo na sakin. Tagal kasi niya eh.

~

Naka uwi na ako sa bahay. Nagpapahinga na lang at nagaantay ng text niya ng saktong nagring yung cellphone ko.

FROM: RAIN

Best sorry kanina ah. Naglakad lang kami eh.

Agad ko siyang nireplyan na ok lang. Sinabi din niyang magpapahinga lang daw siya muna kaya di ko na lang muna siya tinext. Wala tuloy akong magawa!

Wala na kasi akong katext eh. Tinawagan ako ni Kath. Agad kong sinagot. Medyo matagal din kaming nakapag usap. Wala naman kaming pinagusapan. Puro walang kwenta lang pinaguusapan namin. Hahaha. Natigil lang usapan namin ng biglang mawalan kami ng pangtawag. Haaay. wala na naman akong magawa.

~

After 1234567891000 years nagising na din siya! hihi. Medyo nagrereply din naman si Kath habang nagiintay. Kinilig naman ako sa isang text niya :">

FROM:RAIN

Best tandaan mo ah. Wala ng makakanakit sayo kasi andito lang ako sa tabi.

hihi! sweet niya dibuh?! hihi. Tuloy tuloy lang yung sweet convo namin hanggang sa nakwento ko kay Kath yun. Medyo nagalangan siya sa amin. Hindi nga namang tama na maging kami dba? Mas mabuti kung magkaibigan kang talaga kami. Medyo tama din naman yung sinabi ni Kath at di na kami masyado na kakatext sa isa't isa ni Rain. Bakit ngayon ko pa siya iiwasan? Kung kelan mahal ko na siya? Oo. mahal ko na siya! Hindi bilang kaibigan sa tingin ko mas higit pa dun! Sinimulan na ng aking mga luha pumatak. Iyak na ako ng iyak at eto pa ang pinaka nag paiyak pa sakin ng todo. Ang text ni Rain.

FROM: RAIN

best mawawala muna ako sa life mo.

~

Bakit? Dahil sa COMPLICATED naming sitwasyon? Bakit ba ganun? Kung kelan mahal mo na yung isang tao tska pa magkakaganito?! Bat ang daya! huhuhuhu. Iyak na ako ng iyak. Nag-gm ako:

COMPLICATED? yan yung status ng taong mahal ko ngayon. Sa dami dami kasi ng tao bakit siya pa?

~

Bakit nga ba COMPLICATED? siguro kasi hanggang BESTFRIENDS lang kami. Minention ko si Kath sa gm dahil ayoko na muna magtext. Lilibangin ko muna siguro sarili ko. Pero masakit pa din eh. Kasabay ng GM ko ang pag gm din niya. Medyo parang ako ang tinutukoy niya na nafall na din siya sakin. Ayoko mag assume pero sabi niya din doon na sana daw maintindihan nung taong tinutukoy niya yung gagawin niya? Haaaay. Gulong gulo na ako >_< Kaya iiwas muna ako.

KATH'S POV

Hahahaha. Nakakatawa yung dalawa! Parehas nagtatamaan. Kaso nakakaawa din kasi parehas silang nasasaktan. Pero nasa kanila na naman yun eh. Kung ipag lalaban nila pagmamahal nila. Parehas nila nililibang sarili nila ngayon. Hihi :"> Nakakatuwa sila ^_____^ sana mag maging sila ^____^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A bestfriend's love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon