MALDITA 21

890K 23.7K 5.3K
                                    

Maldita 21

Kakababa pa lang namin ng kotse noong may lumapit na agad na men in black to escort us inside the venue. Medyo napangiwi pa ako noong una, dahil hindi naman ako sanay na ine-escoratan. Nawala sa isip ko na ang kasama ko pala ay si Mr. Victor Chen na isang business tycoon at kasalukuyang Presidente din ng School ko. Ngayon lang ako naging aware kung gaano kalaking tao ang Daddy ko.

Tumingin ako kay Avy na nasa kaliwa ko. Tulad ni Daddy, seryoso ang mukha nya at wala man lang bakas ng awkwardness sa mukha nya. Parang sanay na sanay na sya na may mga nakapaligid sa kanyang mga lalaking naka-itim. For a moment, nag-iba ang tingin ko kay Avy, nasaan 'yung Avy na childish?

"Problem?" Tanong nya. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa seryoso at strikto nyang boses. Ibang-iba ang Avy na kasama ko ngayon sa Avy na kausap ko kanina sa kwarto. Ganyan ba sya kaseryoso kapag kasama si Daddy? Looking ate her, naawa ako, para kasi syang robot.

-

Sinalubong kami ni Mikee na mukhang kanina pa nag-hihintay sa entrance kasama ang Dean namin na si Ms. Reyna Bautista.Ngumiti sila at binati kami, well, more of binati sina Daddy at Mommy. Dad just nod at them saka dumiretsyo papasok sa loob, ganoon din ang ginawa ni Avy kahit nginitian sya ni Mikee.

"Snob much?" Bulong ko kay Mikee na ngumiti lang.

"You sure have a long story to tell." Sabi pa nya and gave me a meaningful look at tumingin sa direksyon ng mga magulang ko at Avy.

I just shurgged at pumunta na ako sa pwesto ko. Sina Daddy umakyat sa may stage where they should be seated. Noong maka-upo ako, my phone beeps and I got a text message form Hannah.

'Nice to see you again.'

Napangiti ako noong mabaa 'yon. I meddiately text her back.

'Congratulations for being a Cum Laude.'

After a moment the graduation rites begins. Nagbigay ng speech si Daddy and congratulated everyone. At noong ako na ang aakyat sa stage, tumayo si Daddy sa pagkaka-upo at lumapit sa mic. Akala ko trip nya lang na sya ang tumawag ng pangalan ko but his last words shocked me.

"Let me call on stage my daughter, the heir of Avah Chen International School and soon-to-be the School Administrator, Avah Chen."

Heir and soon-to-be School Administrator? Ako? Napatakip ako ng bibig sa sobrang pagkabigla. Hindi ko inaasahan na mangyayari 'to. Nakatingin lang ako sa harapan habang nagpapalakpakan ang lahat. Lahat sila nakangiti at nakatingin sa akin. Even Mikee is smiling from ear to ear and mouthed 'Congratulations, you deserved it.' Bigla naman akong napatingin sa direksyon ni Avy na seryosong nakatingin sa malayo. Hindi sya pumapalakpak. Wala ding emosyon ang mukha nya.

Unti-unti akong naglakad papalapit sa stage. Pag-akyat kodoon ko nakita nang malapitan ang itsura ni Avy. She's crying silently. Hinahayaan nya lang tumulo ang mga luha nya sa pisngi nya. Mom held her hand and wife her tears away before she kissed Avy's forehead. Hihinto dapat ako sa tapat nila when my Mom nod at me and mouthed 'Go, it's ok' saka sya ngumiti.

Noong nakatayo na ako sa harapan tumigil ang palakpakan at alam ko lahat sila naghihintay ng sasabihin ko. I held my head up high, taking my moment to absored everything that just happened. Magmula noong umuwi sila, ang daming nagbago at nangyari. Parang in a snap of a finger, everything falls perfectly according to my will.

"Salamat. 'Yon lang ang masasabi ko. It may sound rude, but that's what I really wanted to say. Thank You. Oh? Aarte pa?" Bababa na dapat ako noong makita kong tumayo si Avy at bumaba sa may stage while wiping her cheeks. Malapit na sya sa may exit kaya naman kinuha ko ulit yung mic at mabilis na nagsalita.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon