39- Bittersweet Victory

6.9K 323 33
                                    

So, nasa hotel na ako ngayon, waiting for the day of our flight kaya data at phone lang ang gamit ko. Pero tatapusin ko pa rin itong SENTRY kasi wala namang ginagawa. So, enjoy. At nakikiramay pala ako para sa mga Bloodworth.

---

Muling binitbit ni Rifka ang kanyang espada at agad na hinabol si Yitzhak nang tumakbo ito pabalik sa village. Hinding-hindi siya makakapayag na makakawala ito pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Sina Cole, Tiana at Deus...hindi naituloy ni Rifka ang iniisip dahil sa masaganang luha na tumutulo mula sa mga mata niya.

Pero nagpatuloy siya sa pagtakbo kahit na ilang ulit siyang nadapa.

Hindi niya matanggap na nangyari ito sa magkakapatid dahil sa kanya. Dahil iniligtas siya ng mga ito. Dahil sa desisyon niyang sumugod sa teritoryo ng Triad sa pag-aakalang walang madadamay.

May mga namatay nanaman dahil sa kanya.

Sino ba siya para pag-alayan ng buhay?

She did not deserve all of it.

Napansin niyang malapit nang makabalik sa village si Yitzhak. Ang mga kasama naman nito ay naiwan pati ang mga kaibigan niya. Lihim niyang nausal na sana ay walang mangyaring masama sa apat.

Naramdaman ni Rifka na may iba pang presensya malapit sa kanya, maliban kay Yitzhak. Nag-angat siya ng tingin at laking gulat niya nang makita si Callista na balewalang tumatalon sa bawat tuktok ng mga puno. Tila hangin lamang ito habang gumagalaw.

Hindi alam ni Rifka kung maaalarma siya sa presensya ng babae. At nakapagtataka na parang hindi ito napapansin ni Yitzhak.

Pero mas kailangan niyang pagtuonan ng pansin ang totoong kalaban.

Ang nagdulot ng lahat ng kanyang paghihirap.

Una ay ang buo niyang pamilya na pinatay nito nineteen years ago. Ang buo niyang angkan.

Ang kanyang Uncle Antoninus.

Ang mga kaibigan at pamilya ng mga ito.

At ngayon, ang magkakapatid na Bloodworth.

"Yitzhak!" malakas niyang sigaw at nang lumingon ito ay agad niya itong sinalubong ng malakas na sipa sa mukha.

Yitzhak rolled on the ground.

Hindi na hinintay ni Rifka na makabangon pa ito. Agad siyang umupo sa may dibdib nito at inulan ito ng magkakasunod na mga suntok sa mukha.

Tumalsik sa mukha ni Rifka ang dugo mula sa basag na mukha ng lalaki.

"Pagbabayaran mo ang lahat ng nagawa mo," nanginginig sa galit na sigaw niya habang patuloy pa rin sa pagsuntok dito.

She then stood up and started kicking him.

Napaigik sa sakit ang lalaki at panay ang sangga nito gamit ang mga braso, to no avail.

Galit na galit si Rifka at hindi na niya kayang kontrolin ang sarili na saktan ito. Hindi lang iisang mahal niya sa buhay ang kinuha nito mula sa kanya. Marami.

Maraming-marami.

Noon pa man ay wala nang totoong kaibigan ang mga Achselrod. Mga takot na mahihinang bampira lang ang nagpapailalim sa kapangyarihan ng pamilyang ito.

Magbabago na 'yun ngayon.

Siya, si Rifka D'voire Spivak, ang tatapos sa kasamaan ng angkan nito.

Hindi pa rin siya tumitigil sa pagsipa kay Yitzhak at saka lang niya namalayan na umiiyak pala siya habang ginagawa iyun.

"Arghhhh!!!" malakas niyang sigaw saka ito binigyan ng huling malakas na sipa sa sikmura.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon