Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 03: Between us (part 1)

41.1K 1.4K 446
                                    

***

"Martilyo."

Lumusot ang kamay ni Jepoy sa walang bubong na parte ng tree house. Nakasaklang siya sa mas mataas na bahagi ng puno, halos nakayakap sa malaking sanga para bumalanse at umabot sa inaayos na bubungan.

Kinuha ko sa toolbox na nasa tabi ko ang martilyo at iniabot. Nag-abot din ako ng pako.

" 'Yung mas maliit sa uno," tukoy niya sa pako. "Tatlo."

Ibinalik ko sa box ang de uno at nag-abot ng tatlong piraso na mas maliliit.

"Salamat."

Natuon ang atensyon niya sa pagpukpok sa ipinapalit na yero.

"Usog ka. 'Wag kang tumapat sa ginagawa ko, baka malaglagan ka ng kung ano," sabi niyang sandaling sumulyap sa'kin.

Humakbang ako nang ilan paatras at napalinga sa loob ng kubo. Nakasiksik sa parteng may bubong ang lahat ng mga gamit doon—mesa, drawers, cushions, unan, atbp. Nakatabi rin ang ilaw na binaklas ni Jepoy bago tanggalin ang sirang bubong kanina.

Nakikita ko na kung ano ang mangyayari pagkatapos kong maging tagaabot ng gamit ng lalaking nagkakarpintero. Mapipilitan naman akong maglinis ng tree house. I should have said no to him earlier when he told me to help with the repairs. Ipinagluto ko na nga ng fried chicken, hiniritan pa 'kong mag-assist dahil libre naman daw ako. Si Mi kasi, pagbungad ko pa lang sa kuwarto slash mini-recording studio na ginawa nila ni Warren sa bahay nina Auntie Mona, ang lakas pumigil. Busy raw siya. Kahit sabihin kong hindi ako mag-iingay, itinaboy ako. Kinuha lang 'yung meryenda na binitbit ko para sa kanya.

Oh well. Wala na rin naman akong magagawa. Nag-a-assist na 'ko.

"Pako, Yanyan."

Tumingala ako at iniabot ang hinihingi ni Jepoy.

"Thanks," wala sa loob na bulong niya at nagpatuloy sa ginagawa.

Pinakinggan ko ang pwersa ng martilyo niya sa bubong. Isang yero na lang ang ilalatag niya at tapos na kami. Ngalay na rin siguro siya sa pagsabit sa puno.

Pinanood ko siya. Gusto ko siyang tinitingnan kapag ganitong seryoso siya. Nakapokus lang sa iisang bagay ang atensyon niya at halos hindi siya nakangiti. Gumagalaw ang panga niya kapag nag-iingat o nagtatantiya siya sa gagawin. At dahil mainit, pinagpapawisan siya. Gumagapang sa balat niya ang ilang butil ng pawis. Pababa sa linya ng mata niya. Pababa sa panga. Pababa sa adam's apple.

Lumunok ako. Kumurap. What am I doing?

"Pawis mo," sabi ko sa kanya. "Baka matuluan ako."

Malakas siyang pumukpok bago tumingin sa'kin. May makintab na pangungulit sa mata niya.

"Pawis ba?"

Sumimangot ako. Ganito ang mukha niya bago mang-asar.

Sandali siyang umupo nang tuwid sa puno at ipinilig ang ulo niya para maghasik ng pawis. Umatras ako agad.

"Nakakainis ka! Ano ba?!"

Dinig ko ang pagtawa niya. "Sobra ka, sungit. Hindi naman aabot 'yun sa'yo."

Pagtingala ko uli, hinubad niya ang kamiseta niya, at ipinunas sa katawan niya—sa dibdib, sa likod, sa sikmura.

Sa sikmura niya huminto ang mata ko. Bakit meron siyang abs? Bakit gano'n ka-prominent? Nang huling outing namin, linya pa lang 'yun. Saan sa maikling oras niya sa pagitan ng trabaho at pag-iipon ng mga pangit na joke siya nakapagsingit na magpatubo no'n?

Abs for visuals are overrated but damn...

Lumunok ako. Ito ang ayoko kapag dalawa lang kami. Kung anu-ano ang nakikita ko. Nalilito pa 'ko sa gagawin. Gaya ngayon, I had a feeling I should close my eyes but I acted against it. Siya naman ang naghubad sa harap ko.

Secretly (Candy Stories #2) (Published by Anvil Bliss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon