Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 03: Between us (part 2)

37.8K 1.5K 457
                                    

***

Dahil nasa mall na rin lang kami, tinext na rin namin sina Auntie Mona, Tita Rose, at pati sina Mama kung may ipabibili. Ang dami tuloy naming bitbit ni Jepoy nang bumalik sa kotse. Nasa daan na kami nang maalala naming may ipinapabili pang inumin si Auntie Mona para kay Max, kaya tumigil kami sa isang convenience store.

"Ako na lang bababa," sabi ko kay Jepoy. "May ipapabili ka?"

"Inumin na lang din," sabi niya at inabot sa'kin ang wallet niya. "Bumili ka rin ng sa'yo."

"Okay."

Tumakbo ako papasok sa convenience store. Dumiretso ako sa beverages at kumuha ng dalawang malaking bote ng ipinapabili ni Auntie Mona at isang maliit na bote ng inumin ni Jepoy. Saka ko naisipang bumili ng ice cream para sa'kin.

Nakakuha na 'ko ng ice cream at pipihit na para magbayad nang may bumuhos na malamig at malagkit na bagay sa tiyan at shorts ko. Napabukaka ako. Pinanood ang paggapang ng orange na inumin sa hita at binti ko.

"Ay, sorry."

Kilala ko na kung sino ang nakapagtapon ng juice sa'kin bago pa 'ko magtaas ng mukha. Pamilyar ang boses.

"Diane?"

Nag-angat ako ng tingin kay Cassie kasama ang sidekick niyang si Remi at ang boyfriend niyang si Jigs. May hawak na bote ng orange juice si Cassie.

"Hey," malamig na sabi ko.

"Sorry. Ikaw pala 'yan," sabi niya at ngumiti. "Okay ka lang?"

"Yeah," sabi ko.

"Si Jorem? Kasama mo?" tanong ni Remi.

The three of them were suppressing a smirk. They were expecting me to react.

"Hindi ko kasama."

"Pero magkasama kayo kagabi?" tanong ni Jigs at hinagod ako ng tingin.

Inayos ko ang kamiseta ko. Manipis ba'ng suot ko? Kung makatingin kasi siya, parang see-through ang suot ko.

"Magkasama kayo kagabi, 'di ba?" si Cassie.

Kung sasabihin kong hindi, iisipin din nilang nagsisinungaling ako. "Yeah."

Lumapad ang ngiti nila. "Both of you had a good time?" si Cassie uli.

"No. We broke up," sabi ko at, "Excuse me."

Lumakad ako papunta sa cashier. Sobrang lagkit ng shorts at damit ko na halos sakang akong humakbang.

Nakarinig ako ng nakaririnding tawanan at bulungan sa likuran ko habang nakapila sa cashier. Napapikit ako.

Sht. Bakit ako naglakad ng nakabukaka? They would surely think that...

"She surely enjoyed it," sabi ni Cassie.

I gritted my teeth.

Bumati sa'kin ang cashier nang iabot ko ang mga items na babayaran ko. Panay na ang lunok ko. Pakiramdam ko, lumalakas ang bulungan sa likuran. I wanted to get out of the store as quickly as possible.

"Are you okay?"

Bumaling ako kay Jepoy na tumabi sa'kin.

"You're stiff," komento niya.

"Ba't pumasok ka?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya.

"Two hundred and thirty pesos po lahat," untag ng cashier.

"Ah, wait..." Nanginginig ang kamay ko sa pagbubukas ng wallet na hawak ko.

"Ako na," sabi ni Jepoy at kinuha ang wallet niya sa'kin. Siya ang dumukot ng pera ro'n at nag-abot sa cashier. "Here."

Secretly (Candy Stories #2) (Published by Anvil Bliss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon