Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 04: Promises (part 1)

34.9K 1.4K 286
                                    

***

What are promises but hopes that would hurt us if unmet? Ayoko ng mga pangako at mga kasunduan na nakakasakit. If we want to be there for someone, we should be there for them even without promising them. Promises create expectations. Expectations break hearts.

Promises also felt special. I'm sure that's the case kaya mula nang umuwi kami ni Jepoy nang Sabadong 'yun hanggang sa pagbalik ko sa klase ay siya ang iniisip ko. Ni hindi ko na naikwento nang maayos kay Mi 'yung tungkol kay Jorem dahil biglang hindi na importante.

Matagal ko nang alam na protective si Jepoy. He listens well and lightens the mood when necessary. Kaya bakit siya nabasted ng mga nililigawan niya noon when he's good boyfriend material? Bakit siya niloloko lagi ng Denise na 'yun? The psycho should realize how lucky she is that Jepoy is dumb enough to always let her win him back.

Napangiti ako na may kasamang nagbabantang pagtaas ng balahibo nang maalala ko ang pagra-rap ni Jepoy sa kotse. 'Yun ang pinakamabilis na paghinto ng luha ko. Pero kung hidden talent niya 'yun, kailangan niya pang itago nang mas matindi. Mahirap na.

"Hey!"

Nabitin sa ere ang tinidor ko ng baby corn. Pamilyar ang boses na tumawag. I heard footsteps approaching at a viciously fast speed. Na pwedeng ibig sabihin ay tapos na ang payapang oras ng tanghalian ko.

Umupo sa bakanteng upuan sa mesa ko sina Cassie at Remi. Huminga ako nang malalim para tumaas ang tolerance ko sa bullsht.

"Who's that guy with you at the convenience store?" diretsang tanong ni Cassie.

Wow. Dumaan na ang Linggo pero iyon pa rin ang concern niya? Poor girl. Lagpas 24 hours na siyang curious sa iisang bagay lang.

"Why?" usisa ko at isinubo ang baby corn. Sayang ang lunch. Kapag pumangit na ang mood ko, hindi na naman ako makakakain.

"I want to know," sabi niya na para bang entitled siyang malaman iyon dahil lang gusto niya. "Your new guy? Is he a student here? He seems... he's older than us, right?"

Tinusok ko ang gulay na nasa plato ko at isinubo.

"What?" demand niya. "You didn't answer my call yesterday. Tell me now."

Tumingin ako sa kanila. Malaki ang mga mata ni Cassie at kuyom ang kamao sa anticipation. Mataman ding nakatingin si Remi, naghihintay ng sagot ko.

"Why? Do you like him?" tanong ko.

Pagak na tumawa si Cassie. "Like? What do you mean like? That kind of guy? No way."

May apat na linya siya ng pagtanggi sa iisang tanong. This girl is too obvious.

"New guy mo nga? Kaka-break n'yo pa lang ni Jorem, 'di ba? May bago ka na agad? Does that guy know?" sunod-sunod na sabi niya.

"He knows about Jorem," sabi ko. "It doesn't matter to him."

Nakita ko uli 'yung pamilyar na disgust sa mata nilang dalawa nang sabihin ko 'yun.

"Pa'no si Jorem? You can't just throw away a person like that," sabi ni Remi.

Napabuntonghininga ako. Ni wala silang alam kung ano ang nangyari sa amin ni Jorem. Who's throwing away who?

"Thank you for the reminder," malamig na sabi ko.

"Diane?"

Nilingon ko ang kamay na humawak sa braso ko. Malaki iyon. Magaspang. Pamilyar.

"Totoong may kasama kang ibang lalaki no'ng Sabado? I ask for a chance—"

Secretly (Candy Stories #2) (Published by Anvil Bliss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon