Chapter 8

13.9K 327 13
                                    

"So bakit sa SUP ka nag aral?" Tanong niya.

Parang ito rin tanong sakin nung interviewer ah, tinagalog lang niya.

"Wala gusto ko lang, medyo malapit lang din kasi samin to eh." Sabi ko habang natatawa onte.

Dinadaan ko nalang sa tawa yung kilig na nararamdaman ko pag kasama ko siya.

"Gabrielle pangalan mo diba?" Tanong niya at tinignan ako.

"Oo. Bakit? Haha" pero deep inside: omshsjshskw natandaan niya pangalan ko!! Mga kapitbahay sagot ko na birthday ng mga anak niyo!

"Wala, edi mabait ka? Angel ka eh. HAHAHA" sinabi niyang tawang tawa.

Pasalamat ka crush kita, ang corny eh.

"Uhm depende sa tao." Sabi ko

"Sabagay." Sabi niya.

"Sooo, may baon kang dala?" Ngiting ngiti kong tinanong. Sa totoo lang kasi gutom na gutom na ko eh. Kuripot pa ako kaya ayoko bumili sa canteen.

"Wala eh. Ikaw? Antayin nalang kita kumain gusto mo?" Sabi niya.

Bat ko naman paghihintayin ang pinakamagandang babae sa mundo ko?

"Wala rin eh! Tara pasyal nalang tayo." Sabi ko. Pero sa loob loob ko lang gutom na gutom na talaga ako. Bat pa kasi ako pinagbaon ni mama?!?!

"Sige." Sabi niya.

------

Yung naglalakad lang kayo pero hindi mo mapigilang mapangiti kapag naiisip mong makakatabi mo siya.

Naglalakad lang kayong sabay pero bawat hakbang ng paa mo kasabay ng pagtibok ng puso mo para sa taong katabi mo.

Yung kahit simpleng conversation lang meron kayo pero napapangiti ka pa rin everytime na magsasalita siya.

Yung gumaganda lahat kahit pangit kasi sobrang ganda ng katabi mo para sayo.

Yung kahit medyo pabebe siya magsalita kasi naka breysesh siya.

Pero para sayo hindi ka magsasawang pakinggan yung boses na yun.

Yung boses na naging paborito ng tunog ng tenga mo.

"May crush ka na sa room?" Tanong ko.

"Wala ah, first day palang lalande agad ako?!" Sabi niya at sabay kaming tumawa.

"Uy! Malelate na tayo sa Pre cal!" Sabi ki habang shookt na shookt.

"Hala?!?!" Sabi niya sabay takbo.

Jusko napakabilis tumakbo netong babae na to.

Bat ang ganda niya pa rin pag tumatakbo at pawis na pawis?

Sabay kaming pumasok sa room at....

At wala pa yung teacher.

Umupo na kami at natawa sa sarili namin.

"Ang bilis mo tumakbo." Hingal kong sinabi at uminom ng tubig. Sa sobrang uhaw ko naubos yung tubig.

"Pinaglihi ako sa kabayo." Sabi niya.

"Ako sa unicorn." Sabi ko at natawa kaming dalawa.

Iba pa rin yung feeling na napapatawa mo siya.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang teacher namin.

Mung mataray besh.

"Good morning B8 I'm Ms. Cian and I will be your pre cal teacher for this semester." Sabi niya.

"Good morning maam" sabi naming lahat.

At dumaan ng dumaan ng dumaan ang ilang minuto at oras....

Uwian na!!!!

-----

"Oy Gabe dito na ako ah!" Sabi ni Lexi.

"Oo, ingat ka ah! Sabay ulit tayo bukas." Sabi ko.

"Oo." Sabi niya at ngumiti.

Tumalikod na siya

Tatalikod na sana ako...

Nang bigla niya akong niyakap.

Yung tuhod ko...

Parang naging jelly ace....

"Bye." Sabi niya at umalis na rin.

Paano ako makakatulog neto mamayang gabi?

------

A/N hi

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon