24: Mr. Torpe Ms. Manhid

1K 27 2
                                    


Chandra's POV

Almost 3 weeks na ang nakakalipas nang mag tapat si Topher saakin.

.

.

.

.

* blush *

And I can't believed it!!

Grabe, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na ako ang Crush ni Topher at hindi si ate Rocky! Kahit gaano ko kasi isipin na yung Topher na yun? May gusto saakin? I cannot, talaga mga bes. Eh sobra kaya mang asar nun! So, paano niya akong naging crush? Kulang na nga lang balatan ko siya ng buhay minsan kapag nahahabol ko siya kapag inaasar niya ako.

Pero—really? That same Torpe na Topher??

Sabi nga ni Seven minsan.

Daebak.
Hindi. Nope. Not gonna happen. " Hahahahaha! Oo. Impossible talagang mangyari yun! Si Topher? Noooooo way. " exaggerated na sabi ko habang nakalukot ang mukha sabay tawa.

" Sinong Topher? "
Bungad naman ni Ate Chiyo saakin. Medyo nagulat ako kaya kunwari hinawakan ko yung non existence kong dibdib at tinitigan siya.

" Grabe ka naman Ate! Bigla ka na lang sumusulpot nagulat tuloy ako! Pwede namang kumatok diba? "
I said sabay kunwari nag rolled eyes.

" Kumatok ako no! Hindi ako katulad niyo ni Seven na hindi uso ang pag kayok sa pinto. " Sagot naman niya saakin. Natahimik tuloy ako.

" Sooooo! Who's Topher? Yieeeeeh! Classmate? Wait, hindi ba yun yung matanggakad na ka work mo sa Restaurant ni Seven? Omg...don't tell me..He likes you?! Kyaaah!! " Malakas na hiyaw ni Ate Chiyo with matching palakpak. FYI halatang scripted ang pang aasar niya na halata namang ginagaya niya lang yung mga sinasabi ko pag inaasar siya.

But wait...

Nanlaki ang mga mata ko ng ma realized ko. Hoy! Wag kayong judgemental! May pagka echosera nga ako paminsan minsan pero hindi naman ako kasing dense at slow kagaya ni Ate Chiyo!

" Don't tell me Ate— alam mong may gusto saakin si Topher!? "

* flinch *

" H-ha? Wal-wala akong alam diyan ah! Ngayon ko lang nga nalaman eh. " Pag mamaang maangan ni Ate na halata namang fake dahil obviously hindi sanay magsinungaling si Ate. And halata din na nag sisinungaling siya dahil sa nanlalaking mga butas ng ilong niya. Pinanliitan ko siya ng mata, Pero nag iwas siya ng tingin.

" A-ay! Yun nga palang mga nilabhan k-ko! Isasampay ko pa. " Palusot niya sabay talikod sana paalis.

" Ate. Hindi ka naglalaba. "
Taas ang kilay na sabi ko sa kaniya. Eh talaga namang hindi! Gusto mong yariin ni Kuya Jhiro yung mga Maids dito!

" Eh? A-ah! Joke lang yun! Hehehe yun pa lang sinasaing ko! Ahaahaha! Baka kumukulo na! " Tarantang palusot uli niya. Pero mas lalong napataas ang kilay ko.

" Ate. Hindi ka nagluluto. Minsan pwede pero hanggang taga utos, abot, tingin lang. " Exasperated na tugon ko. Eh talaga naman bawal siya dun eh! Ang clumsy pa naman niyan. At pinapayagan lang siya kapag nandito si Kuya Jhiro.

Hayyyy, hindi ko alam kung maaawa ako sa kaniya o maiingit dahil sobrang mahal siya ni Kuya to the highest level na hindi ko na ma reached na minsan ang sakit na nila sa mata kapag nag P-PDA! Kaya nga minsan inaasar ko na din si Ate. Pero ang dali kasi niya mabully eh. That's why I can relate how Kuya Jhiro feels when teasing Ate.

" Oo na! Wala na! Tsk. Basta-! Minsan invite mo yung Topher sa bahay ok? Ipagsasaing ko siya. " Sabi na lang niya.  Habang nakangiting lumalakad palayo. So nag give up na siya sa pag papalusot.

Seducing SEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon