Sa Likod Ng Ngiti

827 4 0
                                    

May kilala akong magandang babae dito.
Isang napaka-gandang babae, yun ay totoo.
Bumagay yung mabuting ugali niya sa kanyang panlabas na itsura.
Maamong mukha, malumanay na boses, kumikinang na mga mata.

Di ko mapigilang mapatitig sa kanya.
Dahil nakikita kong may tinatago siya.
Marahil ay minsan na siyang nasaktan.
Nasaktan at inabuso ang kanyang kabaitan.

Kung lalaki ako, malamang niligawan ko na siya.
Niligawan at ipinakita kung paano dapat minamahal ang isang tulad niya.
Siya yung tipong dapat iniingatan at pinapahalagahan.
Dahil hindi niya dapat nararanasan ang mabaliwala at masaktan.

Paumanhin binibini, ngunit mayroon akong katanungan.
Paano mo nagagawang magpanggap na ayos ka lang kahit hindi naman?
Lubos akong humahanga sa iyong lakas at katapangan.
Katapangan na kaya mo pang ngumiti kahit ika'y nahihirapan.

Sana dumating yung araw na magpapaka-totoo ka na.
Yung araw na makikita ko na ang totoo mong ngiti sa iyong mukha.
Yung araw na hindi ka na magpapanggap na wala kang pinagdadaanan.
Yung araw na hindi mo na mararamdaman ang kalungkutan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon