Prolouge

31 7 1
                                    



Day #30

Akalain mo iyon. Naka-isang buwan na pala tayo. Happy monthsary sa atin. Dapat magcelebrate tayo. Kaso wala pala tayong safe na mapupuntahan simula ng dumating silang lahat.

Ako? Siyemppre buhay pa rin kaya nga nagsusulat ako sayo ngayon e. si Chadd? ayon nakangiti nanaman. Safe naman siguro kami dito hanggang isang taon.

Sana di nalang sila dumating o di kaya'y dapat kapag matanda nalang kami bago sila dumating napakaunfair naman kasi e.

Sige bukas nalang ulit. HAPPY MONTHSARY ulit :)


-B


Isinara ko na yung journal at tinignan ko si Chadd na nakangiti nanaman. Siguro kausap niya si Jae na katabi niya. Haay! Aabot ba talaga kami dito ng isang taon? Parang mahirap paniwalaan. Paubos na ang pagkain sa cafeteria at parang rumarami na rin sila. Namomroblema na rin ako kay Chadd kelan ba siya magigising sa panaginip niya?

Blaze's JournalWhere stories live. Discover now