Chapter 37

1.6K 61 30
                                    


Chapter 37 - Lost Stars 2.0


"Ate?"

Napadilat ako saglit sa boses ni July, "Bakit?"

"Kung ako sa'yo, babangon na 'ko, maliligo at magaayos."

"Bakit?" pipikit-pikit na tanong ko. Napahikab pa ko bago niyakap 'yung malaking unan sa tabi ko. Magdidilim pa lang pero nandito na agad ako sa nakabulagta sa kwarto at handa ng matulog.

Napagdesisyunan kong matulog nang maaga ngayon para makabawi ng lakas. Ginugol ko kasi ang buong umaga at hapon ko sa paggawa ng plates at projects. Nag-advance reading din ako sa ilang mga subjects dahil madalas magpa-quiz ang mga professor bago pa man sila mag-discuss—surprise quizzes. Madalas hindi sila nag-aabiso kung kailan ang magpapa-exam. At dahil 1-A kami, mas mahirap ang quizzes at exams namin.

Ayokong mapag-iwanan. I need to keep up kung gusto kong magtagal at manatili sa A.

"Nandito si Jacin." sabi ni July.

Napangiti na lang ako at inilingan sya bago nagtalukbong.

"Seryoso ako, Ate."

"Bakit naman pupunta dito si Jacin?"

"Siya na lang ang tanungin mo."

"Nandito nga siya?"

"Oo nga, kaya bilisan mo na Ate. Mag-ayos ka na. Baka ma-turn off pa sa'yo 'yon!"

Bakit nandito si Jacin?

Nagwawala ang puso na lumabas ako ng kwarto at sumilip sa sala.

Nakita ko nga siya na nakaupo sa sofa sa tapat ng kwarto ko, pero nakatalikod siya sakin.

One store-y lang ang bahay namin. Pagpasok sa pinto ay ang sala, sa bawat wall ng bahay ay may pinto papasok sa mga kwarto namin—kwarto ko, ni July, nila Nanay at Tatay at ang bathroom. Lumakad ka ng kaunti lagpas sa sala ay ang kusina naman.

Sinenyasan ko si July na i-distract si Jacin para makatakbo ako papuntang bathroom.

Binilisan kong maligo. Naligo na ko kanina pero kailangan at dapat akong maligo ulit. Makakaharap ko si Jacin kaya kailangan palagi akong presko at mabago.

Bakit kaya siya nandito? Tanong ko ulit sa sarili ko.

Nalaman ko ang sagot nang nasa loob na kami ng sasakyan niya. Pinagpaalam niya ako kila Nanay at Tatay, nangako siya sa kanila na ibabalik ako sa bahay bago mag-10 pm.

Naiinis ako. Kanina ko pa dapat nalaman ang sagot. Kanina ko pa dapat naalala. Sa dami ng pwede kong makalimutan bakit naman 'yong isa pa sa pinakamahalagang araw sa buhay ko?

Gusto ko tuloy iuntog ang ulo ko sa salamin ng car door sa gilid ko.

Nakakainis talaga.

"Sorry kung nakalimutan ko." Gusto kong sisihin ang mga pangyayari nitong mga nakaraang linggo. Hindi naman talaga ko makakalimutin eh.

"It's fine, hindi ko pa rin naman alam ang birthday mo, eh." tumawa siya ng mahina."Quits lang tayo."

Tumawa din ako pero pilit lang. May point siya... and his point hurt. High school pa kami inaabangan ko na talaga ang birthday ni Jacin. Matapos niya kong iligtas noon mula kila Angeline, inalam na namin ni Roxy ang lahat sa kanya. Nag-aabang ako hanggang 12:00 am para kantahan siya, kahit ako lang ang makakarinig.

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon