Chapter 33 ♬ Glissando Sisters

52.1K 943 102
                                    

CHAPTER 33 - GLISSANDO SISTERS

SERENE


Matapos malaman ang tunay na damdamin ni Jace sa akin ay pinipilit ko munang maging hinay-hinay ang lahat sa aming dalawa. Hindi naman kasi ganu'n kadaling kalimutan ang nakaraan lalo na at ngayon pa lang ako magsisimulang magmove-on sa dating relasyon na meron ako.

Ayoko naman na maging panakip butas lang si Jace sa damdamin ko dahil alam ko sa sarili na mas masakit 'yun kaysa sa harap-harapang panloloko. Sa ngayon kailangan ko pa ng kahit konting oras para kalimutan siya para sa oras na pumasok ako sa isang bagong relasyon, alam kong handa na ako.

Tinanong ako ni Jace kung pwede ba raw manligaw. Pumayag naman ako pero pinaliwanag ko muna sa kanya ang sitwasyon ko ukol doon. Sinabi ko sa kanya ang totoo na nagkaroon na ako ng boyfriend noon at iniwan ako. I gave the choice kung gusto niya pang ituloy ang panliligaw na sinasabi niya o hindi. Sabi niya itutuloy pa rin niya. For someone as cold as he is, I never thought of him to be so understanding. Sabi niya maghihintay raw siya. Isa lang naman ang kundisyon na binigay niya sa akin, huwag ko na raw siya iiwasan ulit.

"Babes last na talaga 'to pleaseee."

Naglalakad ako papunta sa bago kong section noong makasalubong ko si Nathan. Mula pagpasok ko hanggang ngayon kinukulit pa rin niya ako.

"Promise pumayag ka lang dito hindi na kita kukulitin ulit." Pakiusap niya sa harapan ko na ilang beses ko nang narinig. Dinaanan ko lamang siya at pinaikutan ng mga mata. Heto na naman kasi tayo sa pangungulit niyang iyan. Sa tuwing tinutulungan ko siya pakiramdam ko ako ang mas napapahamak.

Napahinto ako sa paglalakad noong bigla niyang hinarang ang dinaraanan ko.

"Babes naman huwag mo naman akong dedmahin." Humaba ang nguso niya dahil sa reklamo. "Ang sakit sakit lang dito o, alam mo ba 'yun?"

Bigyan niyo na ng tropeyo si Nathan. Magaling na artista ano pa nga ba.

Binigyan ko siya ng masamang tingin.

'Tumigil ka na nga Nathan hindi mo bagay eh. Saka 'yung tungkol sa lola mo? A big NO, okay? Gets mo? Kaya pwede ba, padaanin mo na ako."

Habang tumatagal pakiramdam ko nahahawa na ako kay Jace sa kaka-'no' ko kay Nathan. Ayoko na kasing makaharap pang muli si Lady Magdaleine dahil pakiramdam ko sobrang sama ko na dahil sa pagsisinungaling ko sa harap niya. Ano na lang kaya ang sasabihin niya kung nalaman niya ang totoo na wala talaga kami ng apo niya? Iniisip ko pa lang ang mga mangyayari napapakamot na lang ako.

"Eeeh! Babes naman." Ayan na naman ang pa-awa epek niya. "Last na talaga 'to pramis! Uuwi na rin kasi si lola kaya magiging busy na siya at hindi na natin siya ulit makikita ng matagal. Please?"

Inirapan ko na lang siya at saka dirediretsong pumasok sa loob ng classroom. Pagpasok doon ay nagulat na lang ako na isang masayang musika ang bumungad sa akin. Lahat ng estudyanteng nasa loob ng Section A ay mukhang abalang-abala habang masayang-masaya na nag-aawitan. 'Yung iba ay may kanya-kanyang istrumentong hawak. Tulad na lang ng gitara, flute, meron ding nagtatambol sa mesa gamit ang mga drum stick, mga boteng nilagyan ng tubig para makabuo ng musika at meron ding nagkekeyboard sa 'di kalayuan.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, nabibighani sa nakikita at sa musika na naririnig na ginagawa nila. Lahat may kanya-kanyang tunog na ginagawa mapainstumento o kahit ano lang ang hawak. May nagvovocals at nagsesecond voice. May sumasayaw ng hiphop at ng ballet. Ang labas para akong nasa music school performance. Wala kang makikitang walang ginagawa dahil lahat abala sa kasiyahan na nagaganap. Astig!

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon