Chapter 11

11.9K 268 43
                                    

Napansin ko kay Lexi, lalo siyang sumaya nung niligawan siya ni Lance.

Parang naging blooming.

Hays. Oo na. Alam ko na.

Hindi ko siya kayang pasayahin gaya ng pagpapasaya ni Lance sakanya.

Kahit buong araw pa akong magmukhang tanga para lang mapatawa siya alam kong iba yung ngiti niya ngayon, ngitiang in love.

Bilang kaibigan niya, syempre dapat suportahan ko siya.

Pero sana wag niyang saktan si Lexi.

Hay nako Alexandra.

Bakit ba sayo pa ako tinamaan.

Sa mata mo ba ako nahulog? Yung kumikinang pag nagkukwento ka ng mga bagay na gusto mo. Yung mga pilikmata mong mahaba na lalong nagpapaganda sayo.

Sa kilos mo ba? Na napakakulit at clingy.

Sa ugali mo ba? Na napakamoody pero pag nasa mood napakacute.

Sa pagiging seryoso mo ba? Pag ngumunguso ka pa at nagkukunot ng noo kapag nagseseryoso.

O sa pagiging ikaw na kahit sandali ko palang nakikilala parang komportable na tayo sa isa't isa.

Siguro lahat ng meron sayo nakakainlove para sakin.

Pero alam kong kahit anong mangyari hindi mo ako mamahalin ng higit pa sa kaibigan.

"Lalim ng iniisip mo ah." Sabi ni Shane. "Tinitignan mo pa si Lexi ah." Sinabi niya habang natatawa.

Luh!!! Nakita niya ko napatingin kay Lexi!!

"Wala iniisip ko lang assigment sa Pre Cal." Palusot ko.

"Bat mukha bang scratch paper si Lexi?" Sabi niya at natawa kaming dalawa.

"De, pero seryoso gusto mo ba siya?" tanong ni shane.

Piling ko lahat ng dugo sa katawana ko nadrain.

Yung buong katawan ko namanhid.

Parang nawalan ako ng hininga at nahirapang magsalita.

"Gagu. Hindi ah." Sabi ko.

"Bakit tinitignan mo siya na parang tinitignan ni Lauren si Camila." Sabi niya.

CamRen

"Hindi ako si Lauren. Si Gabe ako diba." Sabi ko.

"Aminin mo na Gabe. Sa ating dalawa lang to pero crush ko rin si Rica." Sabi ni shane.

Shookt na shookt ako.

"Wtf?! Ayos yan. Oo na. Gusto ko na si Lexi." Sabi ko at nalungkot.

Nakakalungkot na kahit sabihin ko sa iba hindi ko masabi ko sakanya.

"Halata ba ka masyado?" Tanong ko.

"Hindi naman. Siguro sa gaydar ko lang talaga." Sabi ni shane. "Sabihin mo sakanya, magkaibigan naman kayo eh, bagay kayo." Sabi niya.

"May gusto siyang iba. Nililigawan nga siya ni Lance eh." Sabi ko.

"Nililigawan lang hindi pa sila. At sinabi na ba niyang gusto rin niya si Lance?"

"Hindi. P-pero ganun na rin yun." Sabi ko.

"Yan tayo eh. Di pa nasusubukan, ginagawan na agad ng conclusion." Sabi niya.

"Pero ayokong masira pagkakaibigan namin." Sabi ko.

"Yun lang." Sabi niya. "Love hurts bro."

"I know bro." Sabi ko.

"Pero hintayin mo siya. Kilalanin mo muna siya. Pero kahit sa oabirong paraan magsabi ka sakanya. Para naman mahalata niya." Sabi niya "Pero kung nilayuan ka, alam mo na. Hindi siya para sayo."

Para akong tinamaan ng kung anong bato kasi tamang tama sinabi ni shane para sakin.

"Oo salamat susundin ko yun captain. Kayo ni rica kamusta?" Sabi ko

"Actually men, nililigawan ko siya." Sabi niya.

"Luh nag blush? Hahaha. Ayos yan, sasagutan ka rin nun." Sabi ko.

"Salamat, ganun din si Lexi." Sabi niya " osiya alis na ko. Puntahan ko muna si rica. Baka magselos pa sayo." Sabi niya at natawa.

Magigiging ganun din tayo Lex, maghihintay ako kasi alam kong wala na akong gustong iba pa bukod sayo.

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon