#The Start.

476 28 8
                                        

"Mahal na panginoon,ayos lang po ba kau?"

Unti unting itong tumayo mula sa pagkakabagsak niya. At pinahid ang dugo na nasa labi niya.

"Oo, buksan mo na ang lagusan."

"Masusunod po."

Tumayo ang lalaking nakapula at may mapupulang mata. Binuka neto ang kanyang maiitim na pakpak. Tinaas nito ang kanyang kanang kamay at nagsalita ng kung anong lenggwahe.

May lumutang na black hole sa harap nila.

"Mahal na panginoon, bukas na po ang lagusan."

"Asan kau pupunta?" Saad ng babae na ngaun ay hirap na hirap sa pagtayo dahil sa mga natamo niyang mga sugat. "Akala niyo makakatakas kau?" Tinaas nito ang kanyang espada.

"At nakayanan mo pang tumayo sa kabila ng natamo mong pinsala mula sa panginoon?? Ang tibay mo din."

 

"H-hindi k-kau magtatagumpay sa b-binabalak n-niyo!!" Susugod na sana siya pero laging gulat niya na nasa harap niya na pala ang hari ng kadiliman.

May mapupulang mata ito na animo'y nagaapoy at may dalawang mahabang sungay sa ulo nito. Nakasuot nito ng itim na kapa na nababalot sa katawan niya.

"P-pa-panong..."

Lumapit ang hari. Animo'y statwa siya na hindi makagalaw dahil sa sobrang takot. Iniisip ng walang kalaban laban nato na ito na ang katapusan ng buhay niya. Sa sobrang takot napapikit na lang ito.

Nanlaki ang mata niya sa binulong ng hari ng kadiliman.

"Hindi ako pumapatay ng walang laban na nilalang na tulad mo. Magkita na lang tau sa mundo ng mga tao at dun na lang kita papatayin. Mga mahihinang nilalang." Then he smirked.

Unti-unting lumutang sa ere ang lalaki at naunang pumasok at panginoon nito at sumunod ang kanyang alagad.

Pero bago sila mahigop ng tuluyan ay nagsalita ang dark lord

"Babalik ako at maghihiganti! At kung sino man ang hahadlang ulit sa akin ay papatayin ko! Humanda kayo dahil sa muling pagbabalik ko ay masasakop ko na ang mundo niyo!!"

"T-teka!!" Tumakbo ang ito palapit sa black hole.

Unti unti siyang nahigop.

"Aaahhhh!!!!"

Naramdaman niyang na may biglang humawak sa kamay niya para hindi siya mahigop.

"Emilia humawak kang mabuti para hindi ka mahigop!!!"

Sigaw ng lalaki. Kumapit ng mabuti si Emilia sa kanya subalit unti-unting dumudulas ang kamay niya.

"Bitawan mo na lang ako. Susundan ko siya."

 

"Pero delikado."

 

"Susundan ko siya para makapaghiganti. Hinding hindi ko siya mapapatawad kaya bitawan mo na ako."

 

"Sige pero sasama ako."

Tumango lang si Emilia at maya maya pa hinigop na sila ng black hole at tuluyang nawala.

-

-

-

-

-

-

-

"Mahal na panginoon, maari na namin silang sundan."

"Tama si Crystabelle panginoon. Huwag na po nating hayaan na magsara ang lagusan." dagdag naman ng isang babae. Hindi makita ang mukha nito kasi balot balot sila.

Tiningnan lang sila ng lalaking may maiitin na mata at agad na tumalikod agad ito sa kanila at nag-umpisang maglakad papalayo. Pero bago pa ito makalayo, nagsalita ito.

"Alam niyo na ang gagawin niyo."

Tumango ang dalawa. Biglang nawala ang lalaki na nasa harapan nila kanina.

"Tara na Crystabelle." sabi nung isa. Tumango lang si Crystabelle at pumasok na sila sa lagusan kasunod nina Emilia.

A/N: Woah, First update ko.hehehe.

Hope you like it!!

READ

VOTE

COMMENT!

xxxNoviubexxx

Si Emilia po sa right side ---------->

DevAngel ~~ [ON-HOLD]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora