Chapter #1

314 24 8
                                        

Emilia PoV

"Thank you for calling 3D tech company. Have a nice day!"

"Oh Skyla, break na pala natin."

Tumayo ako at naginat, mga ilang oras din kasi akong nakaupo. Nagtatrabaho ako ngaun sa isang call center company.

Tatlong buwan na ang nakalipas simula nung mapapunta akobsa mundo ng mga tao. Nag-iisa lang ako, bakit?

*Flashback*

Habang nilalakbay namin ni Lay ang portal kung saan pumasok ang Dark lord na un ay nabitawan niya ang kamay ko.

"Lay!!!" Sigaw ko.

"Emilia!!" Pilit niyang inaabot muli ang kamay ko pero nabigo siya.

"Lay, abutin mo ang kamay ko!" Tinary ko ulit na abutin ang kamay niya pero nagulat ako nung may lumitaw na isa na namang black hole sa likod ni lay at hinigop siya nito.

"Emilia!!" Yan ang huli kong narinig sa kanya bago siya tuluyang hinigop ng black hole.

*End of flash back*

"Skyla, tulala ka na naman."

Tinapik ni Caroline ang likod ko. Siya ang tumulong sa akin na makahanap ng trabaho at siya din ang tumulong sa akin nung mapapunta ako dito sa mundo ng mga tao. Pero di ko na sinabi sa kanya na hindi akong ordinaryong tao. Sinabi ko na lang sa kanya na nawawala ako nagkaroon ng amnesia at tanging pangalan ko na lang ang naalala ko. At pinalitan ko na rin ang pangalan ko.

At ang pinaka naiinis ako ay nawala pati ung kapangyarihan ko. Panu na lang kung bigla na lang sumugod ung dark lord wala akong kapangyarihan? Panu ko siya malalabanan?

"Ha?ano kasi..."

"Naku kung ano man yan erase mo muna sa utak mo. Heto oh ice cream."

Inabot niya sa akin ang ice cream.

"Salamat." At inabot ito mula sa kanya. Naupo siya sa harap ko.

DevAngel ~~ [ON-HOLD]Место, где живут истории. Откройте их для себя