Chapter 5 Technology

862 14 2
                                    

ERZA'S POV...

Nagtatakbo kaming tatlo papunta sa room at nag-iinit yung ulo ni Kendra kay Miyaka at Sakura dahil hindi manlang kami tinawag.

Pagbukas namin ng pinto, nakita ko yung lalaki na nakatayo sa harapan. Sandali! parang sya yung lalaki sa Registration Room nung first day ko dito! sir Hayate yata yung pangalan nya.

"Sir! sorry were late!"- wika ni Almira.

" Sir! ikaw po ang bago naming teacher sa Technology?"- tanong bigla ni Kendra kay sir.

"No! si sir Hiroshi pa rin ang senpai nyo sa Technology!"- what? sya ang senpai namin sa technology? " But, lahat ng leader ng bawat department ay mayroong pagpupulong at bilang si sir Hiroshi ang leader ng Technology department ay umanttend sya sa nasabing meeting!"-wika ni sir. Kaya pala wala si ms. Yuuki na sinasabi ni Sakura dahil may meeting ang lahat ng leader ng mga Departments.

"Ay! sir! ilan po ba ang department ng Tantei high?"- bigla nalang lumabas yun sa bibig ko kaya napatingin silang lahat sa akin.

" Ah! we have a Three Departments. First is Medical Department led by Ms Yuuki at ang assistant nya ay si Riye. Second is Technology na pinamumunuan naman ni Hiroshi at ang assistant nya ay yung papa ni Zendo tapos ang huli ay ang Intelligence Department na pinamumunuan ni sir Hideo na principal ng eskwelahan na ito at sya rin ang leader ng Senshins tribe tapos tatlo kaming assistant, Si Akemi, si Reina at Ako"- sabi nya at napatango na lang ako.

"Ah! diba sir! meron daw bagong itatag na Department!?"- wika ni Shinichi.

" Yes! but it's not implemented at tatawagin daw itong Alliance Department!"- wika ni sir. Alliance Department. siguro mayroon silang mga kakampi.

"Bakit po Alliance?"- tanong naman ni Naraku.

" Ewan ko! siguro tama si Erza na meron tayong alliance pero di a tayo sigurado tsaka iyon yata ang pinagpupulungan nila ngayon!"- nabasa ni sir yung isip ko. "Ok! mamaya na yang mga tanong nyan at magproceed na tayo sa lesson!"- wika ni sir. " Mayroong binigay sa akin na gadget si Hiroshi at iyon ay yung Guchikey!"- wika nya sabay kuha sa bulsa ng isang maliit na susi.

"Para saan naman yan dad?"- tanong ni Ranjickou pero ano daw? dad!? papa nya si sir hayate? well! alam ko na kung saan sya nagmana ng kagwapuhan!

" Sabi sa akin ni sir Hiroshi, ito ay may kakayahan na magbukas ng kahit anong lock! pinto, box o cellphone basta may lock!"- woa napakahusay naman nilang mag-invento ng mga gadgets.

"Galing naman nila na mag-invento ng gadgets, sa bagay, kung miyu nga ay nagawa nila eh! iyan pa kaya!"- wika ni Renji.

Maron pang mga sinabi si sir na hindi ko na naintindihan kasi hanggang ngayon kung si Hiroshi ba na tinutukoy nila ay yung lalaki nayun. Kailan ko kaya sya makikita ng personal.

Pero ano kaya yung magiging reaction ko kapag nakita ko sya? hay! sakit naman sa ulo nito! parang yung libro na dinedecode namin nila Almira at ni Kendra. Hay! sana makilala nya pa kaya ako pag nagkita kami? kailan kaya yung pagkakataon na iyon?

Pinalabas na kami ni sir Hayate na wala akong naintintindihan bukod sa Guchikey. Pag-uwi namin sa Dorm ay agad na tinungo ni Almira yung kusina dahil sya ang magluluto ngayon at ako naman ay nahiga sa kama.

Hindi parin maalis sa isip ko yung mga sinabi ni sir Hayate kanina na Hiroshi ang pangalan ng leader ng Technology Department. Sya kaya iyon? Bigla ko namang naalala yung libro na idedecode namin kaya lumapit ako sa drower ngunit ng kukunin ko na yung libro ay sya namang pagpasok ni Miyaka at Sakura kaya ibinalik ko ulit iyon tsaka ko kinuha yung damit ko para magpalit.

TANTEI HIGH  (War of Erityians)  FanFictionWhere stories live. Discover now