Chapter 14

11.7K 266 11
                                    

Tapos na ang first subject whooooo!

Nakasurvive nanaman sa isang oras na pagpipigil na antok sa Oral Communication subject!

"You may now take your break." Sabi ni maam.

"Tara Lex baba na tayo." Sabi ko.

"Bili tayo ice cream. Nagki-crave ako ngayon sa ice cream eh." Sabi niya at nagpout.

Gustong gusto kong halikan siya sa mga oras na yon at hilahin siya papunta sa akin. Gusto kong halikan ang mga noo niya para maramdaman niya ang pagmamahal at respeto ko sakanya.

"Wag ka ngang gumanyan! Hahahaha!" Sabi ko.

Wag kang gumanyan kasi lalo akong nahuhulog sayo.

"Bakit? Naku-cutan ka nanaman sakin?" Tanong niya habang tinutusok tagiliran ko.

Nangingiliti pa tong baby ko.

"Hindi ah! Tara bumili na tayo!" Sabi ko.

Bumili na tayo baka di ko pa mapigilan sarili kong halikan ka.

"Hehehe." Sabi niya.

"Ganyan ba talaga tumawa mga naka-breysesh? HAHAHA." Tanong ko.

"Hindi, ganto tawa ko pag nang-aasar" sabi niya at kumapit sa braso ko.

Kung wala lang kami sa school iisipin ko na nasa Luneta park kami at nagdi-date.

Pinisil ko pisngi niya ng mahina.

"Gabe!! Alam mong ayaw ko yun eh!" Sabi niya.

Pinisil ko ulit siya sa ilong.

Tumigil siya sa paglalakad at sinamaan ako ng tingin.

"Joke lang hahahaha. Halika na. Bibili na tayo ice cream." Sabi ko at hinawakan kamay niya.

"Ayoko." Sabi niya at nakatingin pa rin sa akin ng masama.

Eto na nag-uumpisa ng lumabas yung dragon a.k.a Lexi sa ika isandaang porsyento.

"Halika na. Di ko na uulitin." Sabi ko at nagpipigil ng tawa.

"Bat ka nakangiti?! Pinagtatawanan mo ko!" Sabi niya at nag pout.

Pa hard to get si mahal nako.

"Sorry na. Libre nalang kita ng kahit anong gusto mo." Sabi ko.

Parang bumalik lahat ng kulay sa mundo netong babaeng to oh. Nung sinabi kong libre ngumiti agad at yumakap na sa braso ko.

Can't wait to spend my lifetime with you. 😍

"Para-paraan ka rin para makalibre eh noh." Sabi ko.

"Hindi ah. Hehehehe." Sabi niya.

Nakarating na kami sa canteen at nagtagal kami ng limang minuto dahil sa kaartehan  netong baby ko eh.

Baby na agad, di pa kami. Pano pa kaya pag kami na, edi baby pa rin. HAHA.

"Lex, nandito ka pala. Tara sabay ka sa amin kumain." Sabi ni Lance kay Lexi.

Bwisit tong si bakulaw. Ganda tumay-ming eh. Kung kelan masaya kami ni Lexi tsaka lilitaw.

Hampasin ko tong tubo sa mukha eh.

Joke. Brutal ko masyado.

"Hindi eh." Sabi ni Lexi. "Sabay kami ngayon." Dagdag pa neto.

Kilig much naman ako, tinanggihan niya si bakulaw para sa akin.

"Sige." Sabi ni Lance at umalis na.

Bumili na kami ng ice cream at fries at umupo na.

"Bakit kaya ganun Gabe, parang hindi ko gusto si Lance." Sabi niya sa akin.

Gusto kong itapon yung kinakain kong ice cream sa sinabi niya. Itapon at siya naman ang didilaan ko. Hahahah.

Joke.

Gentlewoman to

"Bakit?" Tanong ko.

Syempre kunwari di ako interesado. Para hindi halata gaano.

"Uhmm. Ewan. Parang may kulang na ewan. Gwapo siya, nakakatawa. Pero basta." Sabi niya.

Mas gwapo pa ako dun eh.

Mas nakakatawa pa.

Funny is my second name.

"Ahh sabagay." Sabi ko nalang.

"Ikaw? Wala ka bang nagugustuhan sa mga kaklase natin?" Tanong niya.

"Masasabi mo bang gusto mo na siya kapag hinahanap mo siya sa madaming tao at alam mo naman wala siya dun pero hahanapin mo pa rin siya kasi siya lang gusto mong makita? Masasabi mo na bang gusto mo na siya kapag titignan mo siya na parang siya lang yung nag-iisang tao sa mundo pero alam mo kahit kailan hindi ka niya titignan ng ganun?"

"Wow... Oo gusto mo na siya."

"Oo kaso di ako gusto" sabi ko.

Break it down yow.

"Why? Nasabi mo na ba sakanyang gusto mo siya? Atsaka sinoooo." Sabi niya.

"Di ko pa nasasabi kaso wala na rin akong balak sabihin eh. Secret. Hehehe." Sabi ko.

"Wag mo gayahin tawa ko!!!! Akin lang yun." Sabi niya.

Ako rin sayo lang.

"Hehehe." Sabi ko at natawa.

"Wag mo ako ichange topic Gabriel Diaz." Sabi niya at nanlaki mata ko. Alam ko seryoso na to pag tinawag na ako sa first and last name ko.

"Uhm. May gusto siyang iba at basta.. ok na ako sa kung anong meron sa amin." Sabi ko.

"Paano pag gusto ka rin niya?" Seryoso niyang tanong.

Oo nga pano nga naman. Kaso ewan imposible yun.

"Ewan ko." Sabi ko.

"Kaya sabihin mo sakanya. Atlis sinabi mo. Pinakita mo sakanya. Kaysa wala kang ginawa." Sabi niya.

Para akong tinamaan ng bato sa sinabi niya. Iba pa rin pala pag yung taong mahal mo yung nagsabi sayo nun.

"Oo Tata Lexi. Sa tamang panahon. At sa panahon na yun, parehas na siguro kaming ready." Sabi ko at tinignan siya sa mga mata. "At hindi ko na siya papakawalan pag na sa akin na siya."

"Yieee may crush na siya dito. I'm so happy for you." Sabi niya.

"Salamat Lex." Sabi ko.

Nasabi ko naman kaso di direct. Achiement na rin yun noh!

"Welcome. Akyat na tayo! Wait... girl or boy?" Sabi niya.

"Yung?"

"Yung gusto mo."

Ikaw.

"Girl" sabi ko at nginitian ko siya.

"Waaaaah. Ang cute. Nagba-blush ka. Sabi niya at pinisil pisngi ko.

Hinimas himas ko pisngi ko. Ang sakit mangurot!

"Ngayon naramdaman mo na nararamdaman ko! Hahaha." Sabi niya

"Oo boss." Sabi ko.

Umakyat na kami dahil Philosophy na ang sunod. Tabi nanaman kami. Bat ba ang cute netong mahal ko lalo na kapag nagcoconcentrate.

Lalo tuloy nakakainlove.

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon