Chapter 15

11.7K 309 16
                                    

At sobrang busy bukas.

Tatlong assignments.
Reporting bukas.
Recitation sa Gen. Math

Pero ayos lang kasi kasabay ko naman si Lexi sa uwian.

Naglalakad na kami palabas ng gate. Naudlot yung planong dadaan sana kami sa bilihan ng fishball kaso sobrang busy kaya bukas nalang pagkatapos ng lahat ng gagawin.

"Hays, ang daming gagawin ngayon." Sabi niya.

"Oo nga eh, STEM pa." Sabi ko at natawa kaming dalawa.

"Magiging Archi rin ako." Sabi niya.

"Magiging computer engineer din ako." Sabi ko.

Tinignan ko siya at nginitian.

Bakit kada tinitignan ko siya lalo akong nahuhulog sakanya.

Ano bang meron sa mga mata mong parang nanggagayuma?

Sa totoo lang yung mata talaga niya yung pinakapaborito ko. Pangalawa ngiti niya. Yung pangatlo, buong siya na.

Yung mata niya na hindi niya na kailangan magsalita kasi yung mata niya na nagsasalita para sakanya.

Ganun siya kaganda...

Yung ngiti niya na kapag nginitian ka niya, tumitigil lahat ng bagay sa mundo. Yung problema at assignments mo nawawala sa isip mo kasi nakakablangko yung ngiti niya.

At yung siya, kahit siya lang. Yung existence niya palang sobrang laking bagay na.

Hindi na mawawala yung pagka-special niya para sa akin sa totoo lang.

Maging sila man ni Lance, magkagusto man ako sa iba. Special siya para sa akin, kahit hindi naging kami.

"Gabe!" Nagising diwa ko sa tumatawag sa likod ko.

"Uy Amara!" Sabi ko at tinaas ko kamay ko at inapir niya.

"Hi Amara." Sabi ni Lexi at nakangiti.

"Hello Alexandra." Sabi ko.

"Magka-rhyme pangalan niyo ah. Ok, out of place pangalan ko." Sabi ko at natawa kaming tatlo.

"Sabay ka na sa amin sa pag-uwi." Sabi ni Lexi.

"Sige ba!" Sabi ni Amara.

Nakita ko si Shane kasama si Rica. Inapiran ko rin siya.

"Nice one men. Mung napa-oo mo na ah" Sabi ko at natawa kaming dalawa.

"Hindi pa nga eh, pa hard to get. Piling kulangot." Sabi ni Shane at narinig ni Rica kaya nakatanggap siya ng hampos sa braso.

"Magandang kulangot! Hindi pa kasi tapos." Sabi ni Shane.

"Wag mo ko ihatid!" Sabi ni Rica at inirapan si Shane at ngumiti.

Aba, parang kinikilig.

Natawa lang ako sakanilang dalawa kahit third wheel ako.

Nang biglang may sumandal na ulo sa likod ko.

Humarap ako ng paonte-onte at si Lexi pala.

Pasalamat ka si Lexi kung hindi, na "Batista Bomb" na kita.

"Bakit? Hahaha!" Tanong ko.

"Wala lang ang tagal nila buksan yung gate gusto ko na umuwi." Sabi niya.

"Di naman to makapaghintay. Ako nga sanay maghintay sa wala eh. Huhuhu." Sabi ko at kunwari naiiyak.

"HAHAHA. Di bagay sayo." Sabi niya at pinisil pisngi ko.

Syempre ako bagay sayo eh.

Habang nagtatawanan kami ay binuksan na ang gate. Sabay sabay naman kaming lumabas nila Amara at Lexi. Nagpaalam na rin ako kay Shane kasi sa ibang direksyon siya para ihatid muna si Rica. Protective HAHAHA.

Habang naglalakad ay panay ang tawa namin dahil kay Amara. Ang kulit talaga netong babaeng to. Sabi na magugustuhan siyang kasama ni Lexi eh.

"Uy si Lance ba yun?" Sabi ni Amara.

Nakita namin si Lance na may kaakbay na babae kasama ang mga tropa niya.

"Oo nga noh, si Lance nga." Sabi ko at tinignan si Lexi.

Parang malungkot siya...

Bwisit na bakulaw.

"Puntahan ko ba Lex? Papangahan ko isa lang." Sabi ko kay Lexi.

Umiling siya.

"Pag pinangahan ko, kanya kanyang takbo na ah. Wala ng kaibi-kaibigan dito." Sabi ko at seryosong mukha.

Kaya natawa silang dalawa.

Sa totoo lang gusto ko lang talagang patawanin si Lexi.

Pero papangahan ko talaga yun kapag sinabi niya.

"Tara Gabe resbak ako dito. Babayagan ko." Sabi ni Amara.

Tawang tawa ako sa sinabi niya kasi talagang babayagan niya yan. Buto buto pa naman tong si Amara. Warak bayag mo jan.

"Sa totoo lang ayos lang. Masakit kasi manliligaw ko palang siya, nanloloko na siya. Pero ayos lang kasi di ko naman siya ganun kagusto." Sabi ni Lexi.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Kaya ngumiti ka na." Sabi ko.

"Ayiee ngingiti na yan." Sabi ni Amara.

"Enebe wag niyo akong asharin." Sabi ni Lexi at nagtawanan kaming tatlo.

Si Amara lumiko na sa kanto nila.

Kami nalang ni Lexi ang naglalakad pauwi.

"Sure ka ok ka lang?" Tanong ko.

"Ok lang. Nandito ka naman eh. Kayo ni Amara. " Sabi niya at niyakap ako sa braso.

Nandito lang naman talaga ako.

"Mahal na mahal mo braso ko noh." Sabi ko nalang.

"Oo mas mahal ko pa to sayo eh." Sabi niya at natawa.

"Puputulin kona ba tas ibibigay ko sayo?" Tanong ko.

"No. Iba parin kapag kasama ka. Kulang yung braso lang" Sabi niya

Hay nako tong babae, pafall. Lalo tuloy ako nahuhulog.

"Sige na jan na bahay mo oh!" Sabi ko.

Kumalas na siya sa braso ko at namiss ko agad yung kamay niya na nakayakap sa braso.

-------

Ano masasabi niyo kay Gabe? Comment naman jan oh :<

Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon