MASKARA

647 8 1
                                    

(Requested)

Magandang umaga! Kamusta ka?
Ako? Eto ayos lang at puno ng sigla.
Ano ba ang magandang gawin ngayon sa araw na ito?
Ano ba ang magandang gawin upang hindi tayo mabagot dito?

Ah alam ko na! Magku-kuwento nalang ako.
Tungkol ito sa isang babaeng marami nang naloko.
Hindi dahil sa may nagawa siyang mali o masama sa kanyang kapawa.
Marami siyang naloko gamit ang simpleng ngiti sa kanyang mukha.

Ako nga pala ang bida sa istoryang ito.
Istorya na ipapakilala kung sino ba talaga ako.
Istorya na maglalahad ng mga bagay-bagay tungkol sa akin.
Isang istorya na marahil ay may mga naging katulad na din.

Masayahin, makulit, sabog, kalog, at kung anu-ano pa.
Ilan lamang iyan sa mga salitang inihahambing sakin ng madla.
Tama, yan ang pagkakakilala nila sakin.
At marahil ang nakikita mo saki'y ganito rin.

Oo tama kayo, ako yung sa sobrang kakulitan, dinaig pa ang bata.
Yun bang parang hindi dalaga kung kumilos at lalaki kung umasta.
Ngunit ako yung tipong maraming itinatago.
Hindi mga materyal na bagay, kundi mga sikreto.

Tulad ko, lahat naman ng mga tao mayroong itinatago din.
Mga sikretong kapag naibunyag maaaring mag-iba ang tingin niyo sakin.
Hindi ako nagsasalita hindi dahil sa hindi ko kaya.
Hindi ako nagsasalita dahil ayoko munang tanggalin ang aking maskara.

Maskara na nagsisilbing proteksyon.
Proteksyon mula sa mga taong mapanghusga sa panahon ngayon.
Hindi niyo maiintindihan kung kaya't sinasarili ko nalang.
Sinasarili ko ang nadadamang lungkot, sakit, at panghihinayang.

Mahirap magpanggap ngunit batikan na ako sa larangang ito.
Sapagkat sa nakalipas na mga taon nasanay na ko.
Nasanay na magtago sa likod ng aking maskara.
Maskara na nagpapakita ng isang malaking ngiti ngunit itinatago ang mga luha.

Luha na kusang pumapatak sa tuwing ako'y nag-iisa.
Ibinubuhos ang naipong lungkot na gustong kumawala.
Gustong kumawala ngunit hindi sa harap ng mga tao.
Dahil ayokong makita niyo na mahina lang din ako.

Nai-kuwento ko na ba sa inyo ang eksenang ito?
Na kung saan binalak kong tapusin ang buhay ko?
Pumasok sa banyo habang may lubid na bitbit.
Lubid na tatapos sa nadadamang lungkot at sakit.

Ngunit wag kang mag-alala, dahil natauhan naman ako.
Natauhan at napaisip kung ano ang ginagawa ko dito.
Napaisip at nagtaka kung bakit may hawak akong lubid dito sa banyo.
Aaminin kong hanggang ngayon, hindi ko alam ang isasagot ko.

Lumipas ang ilang buwan, nanatili akong matatag.
Matatag at malakas kahit unti-unti na kong nababasag.
Walang araw na lumipas nang hindi ko suot ang maskara.
Maskara na itinatago ang totoong ako mula sa madla.

Oo, ako ito. Yung sinasabihan niyong baliw.
Yung halos lahat ng kaibigan ko sa aki'y aliw na aliw.
Yung palaging nakangiti at kung tumawa ay wagas.
Yung... Kinakaya ang lungkot at sakit na aking dinadanas.

Ayoko munang tanggalin ang maskarang suot ko.
Dahil ayokong biglang magbago ang tingin niyo.
Ayokong makita niyo ang mga luhang palihim kong pinupunasan.
Ayokong marinig niyo ang mga hinanakit ko sa buhay na aking pinagdadaanan.

Ayokong tanggalin dahil hindi niyo maiintindihan.
Ayokong tanggalin dahil baka makaabala ako saking mga kaibigan.
Kung inaakala niyong kilala niyo na ako, mag-isip ulit kayo...
DAHIL MARAMI PA KAYONG HINDI ALAM TUNGKOL SA BUHAY KO AT KUNG SINO AKO.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon