EULII3

6.6K 216 16
                                    


-

"-at kilalang kilala ko siya Kevin, kilalang kilala ko si Eul"

-

Third Person's POV

"Isa pa.... 'yan, and mas maganda siguro kung i-flex mo pa yung muscles mo... Yan! Perfect!"

-

"Bakit ba parang lutang na lutang ka? May problema ka ba?" tanong ng isang lalaki at agad na tumayo upang lumapit sa modelong kasalukuyang kinukuhaan ng litrato.

"Spiro... kanina pa kita napapansin... malaking project---"

"Alam ko... alam ko... umupo ka nalang dun" pagtataboy ni Spiro.

"No... Okay... okay!" sabi ng kaninang lalaki at pumalakpak upang kunin ang atensyon ng iba pang tao doon. "Magpahinga muna tayo..." sabi muli niya at tila'y sabay-sabay na bumuntong hininga ang mga tao at ngumiti. Kani-kaniyang tayuan at lakad palabas.

"Spiro..." bungad ng panibagong lalaki na kanina'y nakatayo sa isang gilid na may damit na nakasukbit sa kaniyang braso.

"Ano yun?!" sita ni Spiro. Nakita niya ang damit na nasa braso ng lalaki at agad itong hinablot at sinuot.

"Ba't nagagalit ka?!" nagulat na saad ng lalaki.

"Sinisigawan mo'ko?" mapangahas na tanong ni Spiro.

"Hindi hindi... sorry... nagulat lang ako." Sabi niya at nanahimik na.

"Kevin, gusto ko kumain..." sabi lang ni Spiro at dumiretso papasok sa kaniyang dressing room.

-

"Spiro Villafuerte, The Boy Next Door... Spi---may audition for leading man sa isang drama... try mong mag-audition..."

Natawa si Spiro nang marinig ang huling sinabi ni Kevin. "Kevin, bilang manager and assistant ko, alam kong alam mo na wala akong talent sa acting... gusto mo ba akong ipahiya?" natatawang tanong ni Spiro.

"Hoy! Kupal ka Spiro! hindi mo ba naisip na pag natanggap ka sa drama, mas malaking opportunity!" sabi nanaman ni Kevin at lumantak ng pizza.

"Kev, fuck you! manahimik ka nalang!" sabi nalang ni Spiro at kumagat sa kaninang kinakain.

"Pero Spi... walang biro... bakit ang tamlay mo ngayon?" tanong ni Kevin. Nang marinig iyon ni Spiro... natahimik at natulala siya sa kaniyang sariling mukha sa salamin.

Matapos ang ilang minutong pagkakatulala, binulabog ulit iyon ni Kevin---"Fuck! Spi! Spi!"

"Ano ba yun? Wag ka ngang sumigaw! Tayong dalawa lang dito oh!" iritang sita ni Spiro.

"Shit ang ganda niya! Spi dali! Tingnan mo... ang ganda niya kaso tibo..." sabi ni Kevin at kulang nalang ay isaksak kay Spiro ang phone niya.

"Easy ka lang... titignan ko na" sabi ni Spiro. kinuha niya ang telepono ni Kevin at tinignan ang pinapakita nito.

Natahimik siya at nailapag ang isang slice ng pizza na kinakain niya. Sa sandaling iyon, tila nanghina si Spiro at natuon na lamang ang tingin sa imahe na pinakita ni Kevin.

"Yan daw yung Eul Espinosa na bagong may-ari ng ME Group... grabe... ilang taon na kaya siya? Ang yaman niya." Sabi ni Kevin... si Spiro ay nanatiling nakatitig sa imaheng iyon...

Yung kinis ng mukha, bilugang hugis nito, magandang mga mata na kumikislap pa at ang mapulang labi ni Eul, napako ang titig ni Spiro roon... napahawak siya sa kaniyang dibdib na tila'y kumakarera sa bilis ng tibok.

"Tibo ba talaga 'yan? Wait! Spi---diba Shareholder yung parents mo sa ME? Kilala mo siya?" tanong muli ni Kevin.

Hindi pinakikinggan ni Spiro ang bawat sinasabi ni Kevin. Sa kaniyang sitwasyon, hindi niya na kaya pang magsalita... tila nanghina at hindi na kaya pang bumangon... tila nagkaroon siya bigla ng sakit at ayaw niyang gumawa o kumilos.

"Spi---kilala mo ba 'yan? Tibo ba siya?" tanong muli ni Kevin.

Isa lang ang nasabi ni Spiro sa lahat 'yon, "Hindi siya tibo... bakla siya---"

-

"Spiro... makinig ka... please... ikaw nalang ang pag-asa ng pamilya natin... sa oras na gumawa ka ng mali, buong pamilya natin ang maghihirap... Spiro... please... kahit ito nalang... kahit ito nalang" mangiyak-ngiyak na pakiusap ng ina ni Spiro sa kaniya. Nasa punto siya na hindi na alam ang gagawin.

Umayos siya ng pagkakaupo sa higaan ng ospital at tumitig sa kaniyang ina. "Ako ba inisip niyo? naisip niyo ba kung masaya ako?" makahulugang panimula ni Spiro.

"Mom... buong buhay ko, buong buhay ko... hindi ko kayo sinuway... ni hindi ako nangialam sa pera niyo ni Daddy... Mom... ngayon ko lang to naramdaman." Mangiyak-ngiyak na saad ni Spiro.

"Spi, anak... huli na ito... isipin mo kami ng Daddy mo... isipin mo kaming buong pamilya mo... please... alam mong nasa mahirap na kalagayan tayo... alam mong wala tayong laban sa mga Espinosa... Spiro... sa ngayon, nakikiusa-"

"Ma! Ganun lang ba kadali yun? Ginawa mo akong duwag! Mom please... tulungan niyo ako..."

"No... Spi---tulungan mo kami ng daddy mo... magtulungan tayo... mga bata pa kayo at wala kayong laban sa daddy ni Eul... alam kong alam mo ang ibig kong sabihin." Makahulugang turan ng mommy ni Spiro.

-

"S-spi-" napalingon si Spiro sa narinig na boses. Nakita niya ang lumuluhang si Eul. Napatigil siya at naitulak niya nang bahagya si Kate na kanina'y kahalikan niya.

"Spi-spi-ro" sabi muli ni Eul... sa sandaling ito ay hindi na alam ni Spiro ang gagawin. Kahit na pinag-planuhan ito, kahit na sinadya ito, dinudurog ng mga luha ni Eul ang puso ni Spiro. lalapit na sana si Spiro kay Eul nang---

"Man-lo-lo-k-ko k-ka!" utal utal na sigaw ni Eul. Lumuluha at humihikbi.

Huminga ng malalim si Spiro bago magsalita. Tumingin siya sa itaas at pumikit ng mariin bago nagsalita.

"Ngayon, kamunghian mo ako... Niloko lang kita Eul, Tinikman lang kita." Sabi ni Spiro. Tumalikod siya nang sabihin niya iyon. Masakit man, wala na siyang iba pang magagawa... wala nang iba pang paraan... dahil alam niya, kung ipagpapatuloy nila ito... walang mangyayari... pareho lang silang masasaktan.

"Ha-ha-ha... pano ba yan, panalo ako Itchan, nauna kong matikman si Eul..." pilit na tumawa at ngumiti si Spiro habang sinasabi iyon. Mas pinili niyang sa ganitong paraan saktan si Eul... na sa ganitong paraan nila maiwasan ang lupit ng Espinosa.

"Tarantado ka Spiro!" sigaw ni Itchan at sa isang iglap ay bumagsak si spiro mula sa pagkakasapak ni Itchan.

Dumating ang 'tres marias' at sina Kit at Jigs, inawat ang dalawa na nagrarambulan.

Si Clive naman at si Cassey ay sinugod si Kate na akmang tatakas.

Napuno ng gulo ang loob ng kwarto. Ngunit otomatikong natigil ang lahat nang sumigaw si Sheena.

"Guys! Si Eul!"

-

"-at kilalang kilala ko siya Kevin, kilalang kilala ko si Eul"

-

Itutuloy

-

EUL II - Revenge [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon