Kaya Ko Nang Wala Ka

1.6K 70 7
                                    

A/N: I kind of messed up the timeline a bit para swak sa storyline. And please do imagine that Karylle is not yet married here. Okay? Thanks.
.
.
.
.
.
Kasalukuyang nasa dressing room ngayon sila Karylle at Vice. Ang glam team ni Karylle ay nasa hallway at naghihintay na matapos ang usapan ng dalawa sa loob.

Makalipas ang ilang minuto ay mabilis na lumabas si Vice ng kwarto at kita ang pagpupunas nito ng kanyang mga mata. Nagtataka man ay bumalik na ang team sa loob ng dressing room.
GARY: Karylle, is everything okay?
KARYLLE: (sighs) Tara na. I have a flight to catch tomorrow morning.
.
.
.
.
.
Pagkauwi ni Vice sa kanyang bahay, nagbilin sya sa mga kasamahan nya na huwag siyang istorbohin. Dumiretso agad sya sa kanyang kwarto.
BABOT: Ano'ng sabi ni Vice?
JACKIE: Wag daw po syang istorbohin.
BABOT: Nasaan sya?
JACKIE: Umakyat na po sa kwarto nya.
BABOT: Sige.

Paakyat na sana si Babot sa ikalawang palapag nang marinig nya ang kanilang ina na nagsalita.
ROSARIO: Hayaan mo na muna si Tutoy, Babot.
BABOT: Kakausapin ko lang, Nay.
ROSARIO: Hayaan mo muna syang mag-isa. Kailangan yun ng kapatid mo.

Sa kwarto, nakahiga lang ngayon sa kama si Vice at nakasubsob sa unan. Pilit nyang tinatawagan si Karylle ngunit wala pa rin itong sagot. At dahil na rin sa pagod, hindi nya namalayan na nakatulog na sya.
.
.
.
.
.
Pagkagising ni Karylle, nainis sya dahil nadrain ang battery ng kanyang phone. Saglit nyang chinarge ang kanyang phone habang siyay naliligo at pinagpatuloy ang pagchacharge sa byahe patungo sa airport.

Pagdating sa airport, agad na pinuntahan ni Karylle ang lalaking nakatayo sa gilid at binigyan ito ng yakap.
KARYLLE: Vhong! (hugs) Good morning!
VHONG: Uy! Good morning, K! Ready ka na sa flight?
KARYLLE: Yup, I'm ready. Lets go to US!

Binuksan na muli ni Karylle ang kanyang phone para magpost sa Instagram nang mapansin nya ang sunod-sunod na notifications ng missed calls at text messages.
VHONG: Busy ah (chuckles)
KARYLLE: (closes all notifications) Wala 'to Oh, boarding na pala tayo!
VHONG: Oo nga. Tara na!
.
.
.
.
.
A few days passed at abala sa kani-kanilang trabaho sila Vice at Karylle. Si Vice ay nasa Pilipinas at patuloy pa rin sa pagpasok araw-araw sa Showtime at ilang commitments outside the noontime show. Si Karylle naman ay nasa Amerika pa rin para sa concert tour nila ni Vhong.

Nasa venue sila Karylle para sa rehearsal. Si Vhong pa ang nakasalang kaya nagpasya si Karylle na maglipat ng mga pictures sa kanyang laptop mula sa kanyang camera. Habang hinihintay ang pagtatransfer ng files, binuksan ni Karylle ang isang folder na ilang araw na rin nyang hindi nakikita. Napapangiti si Karylle habang tinitignan ang mga pictures hanggang sa marating nya ang isang larawan. Absentmindedly, hinawakan nya ang mukha ng nasa larawan na tila ay kaharap nya talaga ito. Bigla rin nagflashback kay Karylle ang naganap sa araw na iyon kung kailan kinuhanan ang larawan.

>>>FLASHBACK<<<
*knock knock*
KARYLLE: Sino yan?
*knock knock knock*
KARYLLE: Sino yan?
*knock knock*

Sinilip ni Karylle ang peephole sa pintuan ngunit wala syang nakitang tao. Babalik na sana sya sa kanyang living room nang may kumatok ulit. Kinuha nya ang Game of Thrones sword nya at nagtungo sa pinto. Binuksan nya ito. Wala pa ring tao ngunit nakita nya sa sahig ang isang kahon na mistulang isang regalo. Tumingin sya sa paligid at nakita ang isang pamilyar na lalaki na nakatayo sa gilid.

Hawak ng lalaki ang isang bouquet ng sunflowers. Tumingin ito sa kanya at nakasmirk na tinanggal ang sunglasses na suot nito.
?: Hi Kurbabe.

Hindi mapigilan ni Karylle ang kilig at napangiti nalang nang makita si Vice sa labas ng kanyang unit. Kahit nakatapak lang ay tumakbo sya patungo kay Vice at niyakap ito ng mahigpit.
VICE: Hala! Ang higpit ng yakap ah.
KARYLLE: I miss you.
VICE: Namiss din kita. Sobra.

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon