/35/ Abducted

388K 11.5K 3.6K
                                    

"Jill! Tara lunch na tayo!" kanina pa nagring yung bell, umalis na yung teacher namin, ako na lang yata yung hindi pa nakakapag-ayos ng gamit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Jill! Tara lunch na tayo!" kanina pa nagring yung bell, umalis na yung teacher namin, ako na lang yata yung hindi pa nakakapag-ayos ng gamit. "Jill Morie!" tsaka lang ako tumingin sa kanila na kanina pa naghihintay sa pintuan, tumayo ako at nagpunta roon.

"Namumutla ka, okay ka lang?" tanong ni Penelope, iniwas ko yung tingin ko sa kanila, nanlalamig pa rin yung pakiramdam ko.

"Teka, absent si Stephen? Lunes na lunes ah." Puna naman ni Baldo, sana pala hindi na rin muna ako pumasok. Napahinga na lang ako ng malalim.,

"Masama raw pakiramdam kaya umabsent muna. Tara na, nagugutom na ko guys." Si Aya.

"Ah. Ano..." napahinto silang tatlo at napatingin sa'kin, "hindi muna 'ko sasabay sa inyo. Mauna na 'ko." sabi ko at tuluy-tuloy na lumabas nang hindi pinapansin ang kahit na anong pagtawag mula sa kanila. Wala akong ibang gustong gawin kundi tumakas. Tumakas sa katotohanang kinatatakutan ko. Pero saan naman ako pupunta? Paano ko matatakasan yung mundong 'to?

Tila naglalakad ako sa kalawakang walang patutunguhan. Hindi ko alam kung saan na ba ako dinadala ng mga paa ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa roof top na ako ng building ng school. Medyo malakas yung ihip ng hangin kaya pumikit ako para damhin 'yon. Ngunit napamulat din ako kaagad nang maalala ko yung mga nangyari kagabi. Ang mga sinabi ni Yue, ang mga larawan. Akala ko magiging maayos na ang lahat pagkatapos ng recollection... Hindi pala.

Kailangan ko ng tulong. Dahil hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa sarili ko. Pero sino? Sino ang mahihingan ko ng tulong sa napakakumplikado kong sitwasyon? Ayokong idamay sila Aya sa problema ko dahil hindi nila maiintindihan kung ano ba talaga ako.

Sinabi ni miss Karen na may susi sa bawat katanungan pero hindi mo nga lang alam kung kailan at saan mo ito mahahanap. Sumampa ako sa maliit na bakod at tumayo mula roon, tanaw na tanaw ko yung buong grounds ng White Knights. Maraming mga estudyante ang nagkalat pero wala kahit isa sa kanila ang nakakapansin sa presensya ko rito, hindi man lang nila nakikita na may nakatayo rito.

"Oy!" siguro dahil sa gulat namali ako ng tapak paatras kaya mabilis akong hinihila ng gravity pababa, akala ko tuluyan na akong mahuhulog pero nahagip ako ng mga braso ng kung sino mang pahamak na sumigaw. Pareho kaming bumagsak sa semento, ramdam ko pa rin yung malakas na pagbayo ng dibdib ko, akala ko talaga mahuhulog na 'ko. Pero sino---

"Aray..." tiningnan ko siya habang bumabangon, matagal-tagal din kaming hindi nagkita ulit, "Jillianne Morie, are you out of your mind?" oo. Baliw na siguro ako, "paano kung hindi ako dumating dito? Edi headline ka na siguro sa dyaro?" aaminin ko, namiss ko ang presensya mo, Cloud Enriquez.

"Ano, natuod ka na dyan? Nagagwapuhan ka na namin ba sa'kin? Tss. Namiss mo 'ko?" hindi ko alam kung sadyang nakakasilaw yung sikat ng araw gayong nakatingala ako sa kanya at kitang-kita ko ang lapad ng kanyang ngiti, nagulat na lang ako ng ilahad niya yung kamay niya, "Namiss din kita, Jill." Tinanggap ko yon at bumangon ako sa tulong niya. Ngayon kitang-kita ko na yung maaliwalas niyang mukha. "Masama to, Jill, napipi ka na rin ba? Talaga bang nakakaspeechless 'tong kagwapuhan ko?"

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon